Who didn't experience the feeling of being desperate. Desperate to change, desperate to help, desperate to do something good, desperate to be recognized, desperate to have a star, desperate to complete a mission, desperate to have a family, desperate to have friends, and desperate to feel love and value.
Everyone has their own desperation in life. If you're desperate, you will try anything to change your destiny and many of us know how painful it could be if we failed to change it.
Napaatras ako, at tumingin sa dalawa kong nanginginig na kamay. It became red, the blood scattered like a flood in my hands. Ramdam ko sila, ramdam kong nasa gilid lang sila't nakatingin sa akin.
May kumuha ng kamay ko at agad itong pinunasan, may humawak sa mukha ko at pinunasan ang luhang tumakas sa dalawa kong mata.
At nang masaksihan ko ito, kusang tumulo ang luhang pilit kong pinigilan.
"Constance!" saad ni Ethan at agad akong niyakap. Hindi ako gumalaw, hindi rin ako kumibo.
"Constance! Are you okay?"
"Constance, the hell!"
"Constance!"
Paulit-ulit nilang tinatawag ang pangalan ko, nag-aala. Kumalas ako sa yakap ni Ethan at ngumiti sa kanila ngunit dinambahan lang ako ng yakap ni Zair at Ricky.
"Pinakaba mo ako!" rinig kong saad ni Ricky.
"A-akala ko.." hindi natapos ang sasabihin ni Zair at narinig ko nalang ang hagulgol nito.
Napangiti ako, nakita ko namang tumingin sina Shana at Xiana sa akin, kahit hindi man nila sabihin alam ko ang tingin na ipinapahiwatig nila. Kusa akong ngumiti, sa unang pagkakataon, sinuklian nila ito.
Kumalas ako sa yakap ng dalawa at napatingin ngayon kay Cynthia na nakahiga sa lupa habang nakaluhod si Mariana sa gilid niya. Bigla akong timaan ng takot, takot na baka mag-iba ang tingin nila sa akin.
"I'm sorry." mahina kong pahayag kay Mariana. Ngunit hindi ito sumagot bagkus ay nakayukong tumayo. Hindi ako makagalaw at tanging nakayuko lang sa harap nila.
Nabigla naman ako ng hawakan ni Mariana ang balikat ko, "Wala kang kasalanan, ginawa mo lang ang dapat mong gawin." malumanay na saad nito, mapait naman itong napangiti.
May kinuha naman itong tangkay ng bulaklak sa gilid at inilagay sa gilid ni Cynthia, "Kung hindi mo 'yon ginawa, hindi natin alam ang mangyayari sa akin at sa inyo."
Ngunit bigla kong kinuha ang bulaklak na inilagay niya. Nagtaka naman silang tumingin sa akin ngunit nakatitig lang kay Cynthia, "She's not dead already." saad ko at lumuhod sa gilid niya. Tinapat ko naman ang kamay ko sa bandang dibdib niya hanggang sa naramdaman kong unti-unting humihilom ang sugat niya.
Napatitig ako sa mukha ni Cynthia. May this event become a driving force for her new desperation. Not Mariana's, but other things.
Tumingin naman ako sa kanila at kitang-kita ko na napaawang ang bibig nila habang tahimik lang si Shana at si Ethan na matagal ng alam ang kaya kong gawin.
Napatingin ako kay Mariana ng huminga ito ng malalim at pinunasan ang luha sa kanyang mata, "Umuwi na tayo bago pa tayo makita ng ibang mages na nandito." saad ni Mariana.
Inilibot ko naman ang tingin sa kabuuan nitong gubat at nakitang wala na ang dalawang bangkay na kasama ni Cynthia kanina, ngunit ang danyos ng kanilang pakikipaglaban ay kitang-kita pa.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...