Hindi ko alam kung anong nangyayari sa labas at kina Penny ngunit nakatitig lang sa ako gintong nasa harap wala itong balak dalhin pabalik sa Namorn.
Bigla namang may lumitaw na dalawang lalaki sa bawat gilid ko at naghanda para umatake.
"You can have that." malamig na saad ko at akmang babalik na palabas ng pigilan ako ng isang lalaki.
Napatingin naman ako sa kanya at kumunot ang noo, "Anong pangalan mo?" tanong niya at hilaw na tumawa.
Bigla naman siyang binatukan ng kasama niya, "Basta't babae talaga!" sigaw niya at tumingin sa akin. "Ako nga pala si Hedrick!" pakilala niya.
Nagulat naman ako nang binatukan si Hedrick ng kasama niya, "Ako nauna eh! Harvy!" pakilala niya.
Patago naman akong napangiti, "Constance. You can have that. Hindi ko naman sila kasama." sagot ko sa kanila.
"Why?" seryosong tanong ni Hedrick. Nagkibit-balikat lang ako, "Hindi ko kailangan." sagot ko.
"Wow! Pwedeng tumira sa inyo?" sigaw ni Harvy. Agad naman itong binatukan ni Hedrick. "Sira!" saad pa niya.
"Nagbabakasali lang naman!" balik sigaw na sambit ni Harvy sa kanya.
"Aalis na ako!" tanging saad ko sa dalawa.
"Wait!" sabay nilang sigaw. Napalingon naman ako sa kanila. "Naglalaban sila sa labas, talaga bang babalik ka sa kanila? Base palang sa trato nila sa'yo--"
Tumaas ang sulok ng labi ko, "Do not worry! I can handle myself."
Ngunit bigla akong nahinto ng may planong pumasok sa utak ko. Kung babalik akong walang dala hindi ko alam kung anong gagagawin nila sa akin, pero kung palalabasin kong---.
Humarap ako kina Hedrick. "I have a plan." unang saad ko. "... kunin mo ang ginto Harvy." agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. "Tie my hands Hedrick." dagdag ko.
"Hoy! Hala, bakit?!" nanlalaking matang saad nito.
Napaismid naman ako sa inakto niya, "Palalabasin natin na naging bihag niyo ako. Hindi ko alam ang gagawin nila pag bumalik akong walang dala, kailangan ko ang tulong niyo para makabalik sa loob ng Namorn." sagot ko sa kanya.
Dahil alam kong wala silang magagawa pag nasa Namorn ako. Nasa La Vosta ako, kilala ko ang King nila, at alam kong alam nila ang nangyari nong nakaraan. At isa pa, wala akong laban sa kanila.
Napatango naman si Hedrick sa akin. "Mabuti nalang may dala ako." sambit niya at kinuha ang manipis na lubid na nasa bulsa niya. "In case malaki ang ginto, ngunit kaya lang palang bitbitin." tumawa pa ito huli.
Hedrick tied my hands properly. "Are you sure with this?" tanong naman niya sa akin. Tumango ako bilang sagot, "You seems good." tanging sagot ko sa kanya. Nakita ko pang pumula ang tenga nito kaya hindi ko mapigilang hindi matawa.
"Tayo na!" napatingin kami kay Harvy ng malakas itong sumigaw. "The cave is about to collapse!" dagdag niya.
Napalaki ang mata ko ng makitang unti-unting nabibitak ang mga pader na gawa sa bato. Napatayo kami ni Hedrick at tumakbo papunta sa amin si Harvy bitbit ang ginto.
"Kumapit kayo sa akin!" sigaw ni Harvy.
Biglang hinawakan ni Hedrick ang kamay ko at ngumiti. Right, nakagapos ako at hindi ko kayang itaas ang kamay ko. Nabigla naman ako ng bigla kaming nawala at lumabas sa anino ng mga kasama niya sa labas. A s-shadow magic. Nakita ko namang napasinghap ang mga kasama niya kaya agad akong napaluhod at yumuko.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...