Chapter 2

3.3K 64 2
                                    

"Pinapatawag tayo." tanging saad ng babaeng pumasok.


Seryoso namang tumango si Ethan, tumingin muna ito sa akin, mahina lang akong tumango sa kanya. "Constance, maiwan muna kita sa iba." saad naman ni Ethan sa akin at agad na umalis. Sumunod naman ang babaeng pumasok ngunit nakuha pa nitong tumingin sa akin bago sumunod papalabas.


Napabuntong-hininga ako at lumabas na din sa silid. Una ko namang nakita si Zair na tila nag-aabang sa akin dahil agad nitong kinaway ang kaniyang kamay ng makita ako. Ngumiti lang ako sa kanya at pumunta sa gawi niya.



Pagkarating ko agad din naman itong tumayo at kinawit ang kamay niya sa braso ko. "Tayo na!" magiliw na sabi nito.


"Saan tayo?" nakakunot-noong tanong ko.


"Ililibot kita sa Akademya, binilin ni Ethan sa akin." nakangiting saad nito at hinila ako papunta sa pinto. Napantig naman ang tenga ko sa tinawag niya sa kanya, "Ethan?" tila bulong kong saad. Ngunit tumingin ito sa akin at tumawa, "Yes. Pag nandito tayo sa Akademya, okay lang na Ethan or Pinky ang itawag sa kanila. Sila mismo ang nag sabi ng ganoon." she informed me.


Napakunot parin ang noo ko, ngunit iniling ko lang ito. Nang makarating sa labas agad akong dinala ni Zair sa gitna. "Kita mo yan..." paunang saad niya at tinuro ang mga cabin, "May sampung realm ang nandito, La Costa, La Nosta, La Mosta, La Fosta, La Hosta, La Zosta, La Rosta, at La Vosta kung saan ang sa atin. Lahat ng Realm ay may namumuno o sa madaling maintindihan isang Hari at Reyna, at syempe mga myembro nito na sila mismo ang pumipili. Gaya ng sa'yo si Ethan mismo ang pumili sa'yo, it was the same in others." saad niya at isang-isang tinuro ang mga cabin na nandito.


Namangha naman ako sa sinabi niya, hindi ko alam na may mga ganito pala ang patakaran dito sa loob.


"Ano namang tinuturo sa inyo?" tanong ko naman. Bigla naman itong tumawa kaya napakunot ang noo ko, "Wala tayong ginagawang ganyan, Constance. Walang nagtuturo, tayo mismo ang gagawa ng paraan para matuto ukol sa mga kapangyarihan natin." sagot naman nito.


Nalugmok naman ako sa aking narinig, buong akala ko may nagtuturo dito ukol sa mga kapangyarihan. May nagtuturo para mapalakas ang kapangyarihang taglay namin ngunit wala pala. "Anong ginagawa natin?" tanong ko ulit.


"Nasa sa'yo na yan. Tambay sa realm natin, mag-eensayo para mapalakas ang kapangyarihan mo, o maging tamad at matulog. Ngunit may mga araw naman na sinasama tayo sa mga misyon o tayo mismo ang hahanap ng misyon." nakangiting sagot naman ni Zair sa akin.


Ngunit tanging pagkunot ng noo ang ginawa ko dahil hindi ko ito maintindihan, "Misyon?" tanong ko.


Tumango naman ito, "Oo, misyon. Sa laki ng Sylverian, marami mages ang humihingi ng tulong. May mga kaganapan kasi na hindi nila kayang lutasin, kaya humihingi sila ng tulong. Hindi lang naman tayo ang gumagawa ng ganito. Meron din sa lupaing Tamora at Salla, ang alam ko gumagawa din sila ng misyon." sagot naman nito.


Paulit-ulit akong napatango sa sinabi niya, hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sa labas. Lumaki akong walang iniisip kung hindi magtago at hindi magpakita sa ibang mages dito sa Namorn. Ngayon na nasa labas na ako tila nasa ibang mundo ako at hindi alam ang gagawin, sa gayo'y isa naman akong Prinsesa sa lupaing ito. Ngayon ko lang napagtanto, na wala talaga akong alam.


"Saan naman tayo pwedeng makahanap ng misyon?" tanong ko naman sa kanya. Dahil gusto kong makaranas, gusto kong lumabas.


Agad naman tinuro ni Zair ang hugis palasyo na cabin, "Sa realm ni Headmaster," saad nito at muling kuniha ang kamay ko. "Bilis, pupunta tayo sa loob. Ipapakita ko sa'yo." muli nitong sabi.

Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon