Naramdaman ko ang malambot na kamang hinihigaan ko. Unti-unti ko ring inimulat ng mata ko at napalinga sa paligid. Nasa loob ako ng aking silid. Napahawak ako sa ulo ko iniisip kong anong nangyari.
Paano ako napunta sa silid ko?
Ngunit agad nanglaki ang mata ko ng maalala ang nangyari. Ang sakuna, ang pagdating ng dating Hari, ang nangyari sa mamamayan at sa Akademya, ang paglalaban nila Loren, ang ginawa ni Ethan. Parang rumaragasang tubig silang bumalik lahat sa akin. Agad akong napatayo at ibinaba ang paa ko sa malambot kong kama. Una ko namang napansin ang nagliliwanag na mga puno sa harap ng aking silid. Agad kumurba ang ngiti sa aking labi, they're back.
Napalingon naman ako sa pinto ng nakarinig ng pagkahulog. Agad kong nakita ang nanglalaking mata ng katulong na tila hindi makapaniwalang makita ako.
"P-prinsesa.. gising na ang Prinsesa!" malakas na sigaw niya.
Agad namang akong nakarinig ng ilang yabag na papunta sa silid ko. Bumungad naman sa akin ang nag-aalalang mukha ni King Arthur at ang nakangiting mukha ng Ama ni Loren.
"I'm glad you're awake! Isang buwan kang natulog." sambit nito. Agad nanglaki ang mata ko sinabi niya. Isang buwan?! Anong nangyari sa loob ng isang buwan? Si Ethan? Si Pinky? Ang mga magulang nila?
Napaawang pa ang bibig ko ng bigla niya akong niyakap. Hindi naman ako kumibo at hinayaan lang siyang yakapin ako.
Kumalas naman ito sa yakap at nakakunot ang noong tumingin sa akin. "Hindi mo parin ba naiintindihan ang nangyayari, ako ang 'yong Ama--"
Agad kong pinutol ang sinabi niya, "Alam ko po. Pasensiya na po sa inasal ko, hindi ko lang po alam ang gagawin ko." nakayukong sambit ko.
Sumilay naman ang ngiti sa labi niya, "Gayon paman, kailangan ko paring ipaliwanag sa'yo ang lahat." Huminga ito ng malalim, "... Dati kaming matalik na mag-kaibigan ni Hades. Isa na akong Hari noon at siya ang isa sa pinakamalapit sa akin maliban kay Alfred. Hindi ko alam kung alam mo ang nangyari noon, ngunit nagkaroon ng tag-gutom sa buong Namorn kahit pati ako ay hindi alam kung saan kukuha ng makakaing mai-angkat dahil sa umiiral na gulo sa Tamora kung saan apektado ang buong Sylverian. Kasabay ng digmaan sa Tamora, nagsimula din ng himagsikan si Hades kasama si Nea dito sa Namorn laban sa akin. Sa kasamaang palad, natalo ako sa labanan, masyadong makapangyarihan si Nea at hindi ako makagalaw ng nalaman kong isa pala siyang Sorcerer na naninirahan dito sa Namorn. Ngunit hindi nila ako pinatay bagkus kinulong... Alam mo ba kung bakit, Constance?" mahabang sambit ni A-ama sa akin.
Agad akong umiling sa sinabi niya, matagal ko ng alam ang nangyaring himagsikan noon ngunit hindi ko alam ang dahilan ni Hades.
"Dahil si Haring Arthur ang dahilan kung bakit patuloy na nagliliwanag ang Namorn." nakangiting sambit ng Ama ni Loren sa akin.
Agad napalaki ang mata ko, "I t-thought the palace and the citizen was the one--"
Agad pinutol ni Ama ni Loren ang sasabihin ko, "Yan ang pinaniwala ni Hades sa inyo. Ang totoo gawa sa kapangyarihan ni King Arthur ang mga ilaw nagsisilbing liwanag sa buong Namorn dahil sa lakas at lawak ng kanyang kapangyarihan. Kaya hindi magawang patayin ni Hades si King Arthur dahil mawawala ang liwanag sa Namorn, at isa pa, ang tanging kapangyarihang taglay niya ay Earth magic... pinaniwala niya ang buong mamamayan na dalawa ang kapangyarihan nila para makuha ang loob ng lahat, sa tulong ko." pagtatapos ng Ama ni Loren.
Agad nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Right, siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng dalawang kapangyarihan sina Hades at sina Pinky at Ethan.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...