"I can feel an immense p-power." rinig kong bulong ni Shana.
"Yeah." mahinang sang-ayon naman ni Xiana.
Indeed I feel it too. Ngunit napaawang nalang ang bibig namin ng agad nagtipon-tipon ang kalaban sa gitna at biglang nawala. They're gone. They're gone when they arrived. Agad silang tumakbo sa kung saan, nakita ko pang may lumabas na tubig sa kamay ng babaeng kasama nila at halos napalaki ang mata ko ng makita kong gaano ito kalaki.
Inihagis niya ito patungo sa apoy na tumutumpok sa palasyo nila ngunit wala itong nagawa. Parang kinain lang ng apoy ang tubig niya.
Napunta naman ang tingin namin kay Ethan ng magsalita ito, "Let's go. Wala na ang kalaban." saad niya.
Napatango naman sina Xiana ngunit agad kumunot ang noo ko, "N-no. Paano nalang ang apoy?"
"Trust me.. they can stop that, Constance!" mahinang sagot ni Ethan sa akin at tumingin sa harap.
"At isa pa, hindi ito lupain natin Constance." dagdag ni Xiana.
Napatango nalang ako sa sinabi nila dahil may punto naman sila. Wala na ang kalaban, at isa pa, hindi ito ang misyon na ibinigay sa amin.
"Let's go!" bulong ni Ethan sa aming lahat.
Nagsimula naman kaming maglakad papalabas ng tarangkahan ng palasyo, nang bigla kaming nahinto. Inangat ko ang tingin sa itaas at nakitang may butil ng tubig ang napunta sa mukha ko.
U-ulan? Umuulan?
"Wow!" rinig kong komento ni Tate at inilahad ang kamay niya sa ere.
"Is this true?" tila hindi naman makapaniwalang saad ni Xiana.
Sabay naming nilingon ang apoy na ngayon ay unti-unting namamatay dahil sa ulan. Kita ko naman ang pag-ngiti ni Ethan, "See?" saad nito sa amin.
Inilahad ko naman ang kamay ko at dinadam ang butil ng tubig na napupunta dito. Kailan ba huling umulan sa Namorn? Hindi ko na matandaan.
Muli kaming naglakad patungong tarangkahan, napalinga-linga kami sa paligid ngunit sabay na napabuntong-hininga.
"Wala tayong masasakyan." nakangusong sabi ni Tate.
"Walang kalesa." saad naman ni Shana.
"We don't have other choice." komento naman ni Xiana.
"Tayo na!" saad naman ni Ethan sa amin.
Nagsimula na kaming maglakad sa daan, namayani naman ang katahimikan sa amin na tila pagod na pagod.
"May nasugatan ba sa inyo?" basag-katahimikan kong saad.
Sabay naman silang umiling kaya napatango nalang ako kahit hindi nila nakikita. Napatingin naman ako sa gilid ko ng makita si Ethan na tumabi sa akin, ibinalik ko naman agad ang tingin ko sa harap.
"Sorry ate." mahina nitong bulong. sapat na kaming dalawa lang makarinig.
Tumingin naman ako sa mata niya at tumango. "It's okay." sagot ko sa kanya at ngumiti ng konti.
Sabay naman kaming napatingin sa gilid ng makitang may tumigil na kalesa, napaawang pa ang bibig ko ng makitang sila 'yong huling nakarating sa palasyo ngunit hanggang dito ramdam ko ang bigat ng kapangyarihang taglay nila.
"Sumakay na kayo!" magiliw na sigaw ng isang lalaki sa loob.
Nabigla naman ako ng binatukan ito ng isang babae, "Sira! Kaya nga huminto tayo! Utak Relm please, pakipulot!" sagot ng babae sa kanya.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...