Lahat sila ay gumilid at binigayan ako ng daan. Huminto ako mismo sa harap ni Farrah na ngayon ay pawang nakatingin sa kanila ng may nag-mamakaawang mukha.
Tumaas ang sulok ng labi ko ng mag-tama ang mata namin, nakita ko naman kung paano nanglaki ang mata nito.
"Heal her!" rinig kong sigaw ng babaeng sumampal sa akin kanina.
Walang-gana ko naman itong tiningnan na nagpaatras sa kanya. Ibinalik ko ang tingin kay Farrah at ngumiti, "Did I hurt you Farrah?" malambing na saad ko sa kanya.
"Ginawa ko ba 'yan Farrah?" muling tanong ko at tinuro ang sugat niya sa balikat.
Kahit nahihirapan ay pilit parin nitong tumango ng tumango. Hindi ko alam kung anong laman ng utak niya para mag-sinungaling sa harap nilang lahat.
Napahalakhak ako sa harap nila, kita kung paano kumunot ang noo nilang lahat at tila hindi naintindihan ang nangyayari. "I changed my mind." saad ko at tumalikod sa sa harap ni Farrah.
Akmang maglalakad ako muli ng biglang may humawak ng maigi sa pulsuhan ko, nang tingnan ko ito mukha ni Xiana ang bumungad sa akin.
"Heal her!" utos nito.
Tiningnan ko lang siya ng malamig, at iniwakli ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"You're cruel! Hindi ka nababagay sa realm nato! Bakit ka ba kinuha ni Ethan?! Who are you?! Who the hell are you?!" malakas na sigaw ni Xiana.
Hindi ako kumibo at tanging nakatalikod lang sa kanya. Bigla namang nabalik ang tingin nila kay Farrah ng muli itong umubo ng dugo at halos nahihirapan ng huminga. Dali-dali namang naglakad si Tate at pumunta sa gilid ko, "Bilisan mo, malapit na siyang maubusan ng hangin." bulong nito sa akin.
Tahimik naman akong napamura at akmang muling babalikan si Farrah ng biglang may sumigaw. Sa pinakasulok ng realm nakatayo ang isang babaeng bakas ang luha sa kanyang mga mata at nakatitig sa akin. Nabigla naman ang lahat ng tumakbo ito papunta sa akin at lumuhod sa mismong harap ko.
"Heal Farrah! Nag mamakaawa ako sayo! Sasabihin ko na ang totoo! Just heal her!" saad nito at humagulgol.
"N-no!" nabaling naman ang atensiyon nila kay Farrah ng magsalita ito.
"Then do it now!" malamig na saad ko sa kanya.
Dahan-dahan naman itong tumayo at pinahiran ang mga luhang tumakas sa mata niya. Napahinga pa ito ng malalim at tiningnan si Farrah bago yumuko sa harap nilang lahat.
"I l-lured Constance towards the forest using L-loren f-face...." napasinghap naman ang nakarinig, habang may ibang nakakunot ang noo.
"...tinulak ko siya sa rumaragasang ilog habang ginamit ni Farrah ang kapangyarihan niya para hindi siya maka-alis."
"N-no. W-wag mong s-sasabihin." rinig kong nahihirapang saad ni Farrah.
Subalit lahat ng atensiyon ay napunta sa babaeng nagsalita ngayon sa harap. "Ngunit nakaalis si Constance that makes Farrah furious. T-they fought, but Constance only have Healing magic so she never stand a chance..."
Napahinto naman ito at tumingin sa mga mata ko, unti-unti naman akong umabante at pumunta sa gawi ni Farrah kung saan masamang-masamang tumingin sa akin.
"Using gravity magic, i-inihagis niya ang katawan ni C-constance kahit saan, e-even s-stab her."
Nakita kong may napatakip sa kanilang bibig ng marinig ang sinabi niya. I hissed. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Patago akong napangiti, sapat na ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...