Tahimik kaming nakasakay ngayong tatlo sa kalesa. Dahil gabi na, wala ng mag-aaral ang nasa loob ng Akademya maliban sa realm ng La Mosta kung saan may pagdiriwang at kina Ethan na hinahanap ako.
Umuwi na din si Zair at nauna nang sumakay, kaya sabay kaming tatlo ngayong uuwi sa palasyo. Salubong parin ang kilay ni Ethan habang pasimpleng samang tingin naman ang iginawad ni Pinky sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit, sumabay lang naman ako kina Miya, marunong naman akong umuwi, at isa pa bilin na ni Ama na hindi ako pwedeng makitang kasama silang umuwi, pero ito kami ngayon nasa iisang kalesa.
"I'm sorry about my behaviour ate, it's just like I was concerned about you. Akala ko ay napano ka na!"
Napatingin ako kay Ethan ng bigla itong umimik, napabuntong-hininga naman ako, "It's okay, Ethan. Kasalanan ko rin naman."tanging sagot ko sa kanya.
"I told you, ilipat mo siya sa ibang realm!"
Napantig naman ang tenga ko ng marinig ko ang sinabi ni Pinky, masama parin ang tingin nito sa akin.
"Sinabi ko na din sa iyo na mananatili siya sa La Vosta." mahinahong sagot ni Ethan sa kanya.
Iniba ko nalang ang tingin ko at tahimik na napabuntong-hininga. Panay pa rin ang palitan ng salita ng dalawa at hindi ko na ito pinakinggan pa. Napangiti naman akong matanaw ang ibat-ibang kulay ng mga punong nadadaanan namin pati na rin ang mga alitap-tap sa lumilipad.
Inilabas ko ang kamay ko at pumikit, huminga naman ako ng malalim at pilit dinaramdam ang hangin.
Napamulat ako ng mata ng makarating kami sa palasyo, padabog na bumaba si Pinky habang sumunod si Ethan sa kanya. Sumunod naman ako at tahimik na naglalakad papasok, binuksan naman ng taga-bantay ang malaking pintuan ng makita kami. Agad naman akong ngumiti at nag pasalamat sa kanya.
Namataan naman naming nasa dining area na si Ama at Ina at kami nalang pala ang hinihintay. Agad namang pumunta si Ethan at Pinky doon at sumunod ako sa likod nila. Akmang uupo na ako sa tabi ni Ethan ng biglang tumikhim si Ina.
"May bisita tayo ngayon Constance, doon ka muna sa silid mo."
Mapait akong napangiti, "Sige po."
Muli na naman akong itatago.
Tumalikod ako at agad umakyat sa ikalawang palapag. Binuksan ko ang pintuan ng aking silid at agad dumapa sa malambot ko na kama. Narinig ko namang may kalesang dumating sa aming bakuran ngunit wala na akong lakas para silipin at alamin ito.
Napatitig naman ako sa kisame habang iniisip ang nangyari kanina. Ngunit agad bumalik sa isipan ko ang misyon na gagawin namin kinabukasan, muli akong bumangon at pumasok sa banyo at nagpalit lang ako ng damit pangtulog.
Nang makalabas namataan ko namang bukas ang bintana ko kaya agad akong tumungo dito, nangunot naman ang noo kong makita si Pinky sa aming hardin at may kasamang lalaki. Dahil sa ilaw na nanggagaling sa aming mga halaman, kitang-kita kung paano kumislap ang mata ni Pinky sa tuwa habang nakatalikod naman ang lalaki sa akin kaya hindi ko alam kung sino ito.
Nagkibit-balikat nalang ako at isinarado ang bintana. Muli akong bumalik sa kama at ipinikit ang aking mata, hanggang sa dalawin ako ng antok.
----
Napakusot ako ng mata at agad napabangon, agad kong tinungo ang bintana at binuksan ito ng malaki. Nakita ko namang hindi pa nagpapakita ang araw kaya agad akong tumungo sa banyo para maligo at magbihis.
BINABASA MO ANG
Namorn Academy (Sylverian Series 3)
FantasyBorn into a noble family, Constance never had a chance to leave their castle. As the oldest among the three siblings, she clearly knows the difference between them. She only has one magic. And they have two. When she has the chance, she makes sure t...