Chapter 29

1.9K 51 1
                                    

Pagkarating ko sa palasyo agad akong bumaba sa kalesa, mabuti nalang at naghihintay na ang magsusundo sa akin sa labas ng tarangkahan ng Akademya kaya madali akong nakauwi. Wala na ding araw ang makikita mo at tanging ilaw na galing sa mga halaman ang nagsisilbi kong ilaw sa daan.


Akmang papasok na ako sa malaki naming pinto ng kusa itong bumukas at dali-daling lumabas ang isang katulong.


"Patawad, Prinsesa. Ngunit nasa loob na ang mga panauhin ng Hari at Reyna, maghintay ka lang sa labas hanggang makauwi sila." nakayukong ani ng katulong.


Malalim naman akong napabuntong-hininga at tumango. "Okay. Maari ka ng bumalik sa loob." tanging saad ko sa kanya.


Yumuko naman ito muli bago pumasok sa loob ng palasyo. Inihakbang ko ang paa ko paatras at napalinga-linga sa paligid. Una ko namang nakita ang kalesang nasa gilid, na baka sinakyan ng mga panauhin namin ngayon. Napangiti naman akong makakita ng isang upuan malayo sa harap ng palasyo.


Tumingin muna ako muli sa pinto bago nagsimulang maglakad patungo dito. Pagkarating agad naman akong umupo at tumitig sa itaas. Napatitig ako sa malaking buwan na nagsisilbing ilaw sa madilim na gabi, at sa gilid nito ay ang mga bituin na kasama niya palagi.


"Ako 'yan." mahina kong saad sa aking sarili habang tinuro ang isang bituin na malayo at nag-iisa. I was alone and left out. Akala ko ay mag-iiba na ang pakikitungo nila Ama sa akin dahil sa wakas pinayagan nila akong lumabas ngunit hindi. Hanggang ngayon, pilit parin nilang tinatago ang pagkatao ko.


But why? Para saan? Bakit? Anong dahilan? Hindi ko alam. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak nila?


"A penny for your thoughts?"


Nabigla ako ng biglang may nagsalita. Agad akong lumingon sa likod at nang makitang si Loren ito ay agad akong napahinga ng maluwag. Sinundan ko naman ito ng tingin hanggang sa umupo ito katabi ko.


"What are you doing here?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya. ".... you should be inside." dagdag ko pa.


"What are you doing here? You should be inside." sagot naman nito sa akin at kinopya pa ang tono ng boses ko.


Napaismid ako, "I'm late, I should be at my room now. Kailangan ko pang maghintay matapos kayo." tanging sagot ko sa kanya.


"Bumalik ka na sa loob, baka mahalata nila na nasa labas ka." dagdag ko ng hindi ito magsalita.


He groaned. "It's fine." ngunit agad akong tumingin sa kanya. "Hindi para sa akin." sagot ko.


"So.... what happened?" tanong niya.


Ngumiti ako at tumingin sa kanya, nakita ko naman kung paano ito nakatitig sa akin. "I cleared my name." 


Sinuklian naman niya ako ng tingin at ginulo ang buhok ko, "I'm glad." mahina nitong bigkas.


Gaya ko napatitig rin ito sa kalangitan, namayani naman ang mahabang katahimikan sa amin. But I don't feel uncomfortable, it was nice, solemn, and calm. Parang pareho kaming may iniisip na tanging ang aming sarili lang ang nakakaintindi.


"Where did you go this morning?" bigla kong tanong sa kanya.


Nakita ko namang tumingin muna ito sa akin bago ibinalik ang tingin sa taas. "We're doing a mission. You?" sagot niya.


Ngumiti ako, "Same as I. Nasa Tamora kami."


"Well, nasa Bora kami."


Agad namang nalipat ang tingin ko sa kanya. "What happened in Bora?" tanong ko.


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon