Chapter 24

2K 62 2
                                    

Pagkarating ko sa palasyo ay agad akong dumeritso sa aking silid. Agad akong naligo at nagbihis ng panibagong uniporme. Sinuklayan ko lang ang mahaba kong buhok at inilugay.


Di rin nagtagal ay umalis ako sa aking silid at dali-dali itong sinirado. Ngunit, pagkaharap ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Ina na nakakunot ang noo nakatingin sa akin.


"Nagmamadali ka?" tanong niya.


Bigla akong nahinto at umiling. "Hindi po. Bakit po?" I lied.


Tumikhim naman ito, "May panauhin tayo bukas, pinapaalala ko lang sa'yo na wag kang lumabas sa 'yong silid." saad nito at agad tumalikod. Hindi man lang hinintay ang isasagot ko.


Napabuntong-hininga ako, baka 'yon ang ibig-sabihin ni Loren kanina. Nang nakita kong pumasok na si Ina sa isang silid ay dali-dali akong naglakad papalabas sa palasyo. Hindi ko na tiningnan pa ang katulong na nag-alok sa akin para kumain. Alam ko namang maraming pagkain sa realm ngayon.


Nakita ko naman ang kalesang nagsisilbi naming taga-hatid at sundo at agad sumakay sa likod. "Sa Akademya po." sambit ko.


Napakunot naman ang noo nito at pinaandar na ang kalesa, "Hindi ka ba umuwi nong isang araw, Prinsesa?"


Nabigla naman ako sa tanong ng kutsero, siya lang ang tanging nag-tanong sa akin niyan. Kahit si Ina hindi man lang napansin na wala ako, o hindi ako nakauwi.


"May ginagawa lang po." tanging sagot ko sa kanya.


"Iba na talaga pag nasa Akademya na, madaming ginagawa." rinig kong sambit niya na hindi ko na sinagot pa.


Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa daan patungong tarangkahan. Agad akong bumaba at nag-pasalamat kay Manong bago naglakad patungo sa tarangkahan. Bumungad naman sa akin ang ilang estudyanteng palakad-lakad, ang ibang naka-upo sa mga upuan sa labas, may ilan na labas-pasok sa kanilang realm, at ang ibang pumapasok sa realm ni Headmaster.


Ngunit agad kong tiningnan ang realm nila Pinky na kung saan pinakamalapit sa tarangkahan. Muli na naman itong sarado na tila wala sila sa loob.


I wonder kung nasaan si Loren ngayon.


Napahinga naman ako ng malalim habang nilalakad ang daan patungong La Vosta. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang matatanggap ko ngayon, hindi ko alam kung babatiin ba nila ako o hindi.


Malayo palang ako rinig na rinig ko na ang mga musika na nanggagaling sa realm namin. Nakabukas naman ng malaki ang pinto habang may labas-pasok dito. Napaseryoso naman ang mukha ko at muling inihakbang ang paa ko papasok.


Pagtapak ko palang sa may pintuan lahat ng mata ay napunta sa akin. Una kong nakita ang mukha ni Farrah na nakaupo sa isang mahabang upuan kasama sina Zair at Summer. Nang nakita niya ako agad tumaas ang sulok ng labi nito ngunit agad din itong napalitan ng ngiti ng hinawakan ni Zair ang balikat niya.


I scoffed. Did she really wants to be me?


Nakita ko naman kung paano napayuko si Summer sa upuan niya at pawang umiiwas sa tingin na iginawad ko. Umiwas nalang ako ng tingin at pumasok sa loob, muli namang bumalik sa dati ang lahat. Agad ko namang namataan si Tate na isang maliit na upuan, nang makita niya ako agad itong kumaway na parang bata at tinapik ang katabi niyang upuan.


"Bakit ang tagal mo?" masiglang tanong niya. May inabot naman ito sa akin na baso, akmang hindi ko tatanggapin ng muli itong magsalita, "Juice yan." saad niya.


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon