Chapter 21

2.1K 58 0
                                    

Nagising ako dahil sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napakusot ako sa aking mata at dahan-dahan na ibinuka ito. Lumantad naman sa akin ang hindi pamilyar na bahay. Babangon na sana ako agad ng mapagtantong nandito pala ako sa maliit na bahay ni Loren.


Napalinga naman ako sa paligid at napakunot ang noo, hindi ko makita si Loren. Nabaling ang tingin ko sa sahig at nakitang wala na ang unan na ibinigay ko at nasa gilid ko na pala. Dahan-dahan akong bumangod habang nakahawak sa gilid ng tiyan ko. Labis naman akong napabuntong-hininga ng hindi ko magalaw ang binti ko.


"Loren?"


Inulit ko pang tawagin ang pangalan niya ngunit wala talagang sumagot. Isinandal ko nalang ang likod ko sa pader, at napatitig sa binti ko.


This will take some time. Mga ilang araw pa akong mananatili dito bago gumaling ang mga sugat ko, at alam kong mapapansin yon ng iba. Muli akong napabuntong-hininga at isa-isang itinanggal ang mga dahon na inilagay ni Loren. Napatingin naman ako sa sugat kong tumigil na sa pagdurugo ngunit bakas parin ang hiwa.


Balak ko na sanang itaas ng konti ang damit ko para tanggalin ang mga dahon sa bandang tiyan ko ng bumukas ang pintuan at iniluwa si Loren na napalaki ang matang nakatingin sa akin. Ngunit ibinalik din niya ang postura nito at tumingin sa akin.


"I'm sorry, lumabas lang ako para kumuha nito." saad niya at itinaas ang mga bagong dahon.


Napangiti naman ako, "Salamat." saad ko.


Nabaling naman ang tingin ko sa bintana na nandito at nakitang sikat na sikat na ang araw sa labas. Napunta ang tingin ko kay Loren na hinuhugasan na ang mga dahon ngayon.


"Marami na bang estudyante sa labas?" tanong ko.


Tumango naman ito habang nakatalikod, "May mailan-ilan na." saad niya at pumunta sa gawi ko.


Muli niyang nilagyan ng panibagong dahon ang mga sugat ko habang napatitig lang ako sa ginagawa niya.


"Nandiyan na ba sila Ethan?" tanong ko sa kanya habang binulong ang dulo nito.


Inangat naman niya ang tingin sa akin at umiling. "But Pinky is here already." sagot niya.


"Can I use you?"


Napaawang naman ang bibig nito sa sinabi ko, ngunit deritso akong tumingin sa mata niya. "Pinky likes you."


"I know." mahinahon na sagot niya na nagpalaki ng mata ko.


Loren already knew who I am. He knew what I want to achieve, what I want to do. Gusto ko lang malaman niya ang balak kong gawin. Was it for formality? or  because I'm grateful? I don't know. I don't really know myself nowadays.


"She will freak out pag nakita niya ako dito." tanging saad ko.


"And you use her reaction as a bait. Am I right?"


Deritso akong napatingin sa mata ni Loren. How can he read my moves rightaway? Was I that easy to read?   Ganon lang ba kadali basahin ang mga ginagawa ko?


Nabigla naman ng mahina nitong pinitik ang noo ko, "Did you murder me in your head?" he chuckled.


Ngunit seryoso akong tumingin sa kanya, "Was I easy to read?" hindi ko mapigilang maitanong.


He shrugged. "No, I just sense that. Don't think to much." sagot nito at muling yumuko para lagyan ng mga bagong dahon ang mga sugat ko.


Namayani ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Hindi na ako kumibo pa, habang siya naman ay seryoso sa paglalagay ng dahon. Pagkatapos niyang malagyan lahat, tumayo naman ito at seryosong tumingin sa akin.


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon