Chapter 3

2.9K 58 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang pala pumasok, Constance?" nabigla naman ako sa tanong ni Ricky sa akin.


Nandito kami ngayon sa isang mahabang upuan, habang ang iba naming kasama ay masayang nag-uusap sa bawat gilid, o di kaya kumakain. Ngayon ko lang nakita na may isang daan dito na nagdudugtong sa kusina kung saan nandoon sina Xiana para magluto.


Natigil naman ako sa tanong niya, agad akong naghanap ng masasagot ngunit hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako pinayagan at baka hindi ito maniwala.


"Bago lang kasi ako." pinilit kong wag mautal sa aking sinagot. Napahinga naman ako ng maluwag ng tumango ito ngunit agad nabalik ang kaba ko ng magtanong ito ulit, "Saang lupain ka pala galing?"


A-anong sasabihin ko? Napaiwas ako ng tingin at hilaw na napatawa, "S-sa a-ano.... Sa--"


"Constance!"


Napahinga ako ng maluwag ng may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko naman na kumakaway si Zair kaya agad akong ngumiti at tumayo, "Punta lang ako sa kanya, Ricky!" hindi ko na hinintay ang isasagot nito at agad nagpasalamat.


Nang makarating agad naman niya akong binigyan ng maliit na plato, "Kumain ka muna, naghanda kami ng pagkain." nakangiting saad niya at pumasok sa loob.



Nakita ko namang nandito si Summer na kumakain pala sa gilid at naman itong ngumiti, "K-kain tayo!" bati nito. Tumango naman ako sa kanya at agad kumuha ng makakain, at umupo sa tabi ni Summer. Sumunod naman si Zair at umupo rin sa tabi ko.


"Anong pinag-uusapan niyo ni, R-ricky?" napalingon naman kay Summer sa biglang tanong nito. "K-kasi wala lang." mabilis na dugtong niya at umiwas ng tingin. Nakita ko namang namula ang pisngi nito kaya tahimik akong napahagikhik.


"Tinanong lang niya kung bakit ngayon lang ako." sagot ko naman sa kanya at napangisi, "Bakit?" tanong ko maman.


Mabilis naman itong umiwas ng tingin at napaubo, "Wala nga!" parang batang saad nito. Napatawa nalang kami ni Zair sa inakto nito.


Ngunit agad kaming natigil ng tawagin kaming lahat ni Ethan, naging seryoso naman ang mga mukha nila kaya agad din akong sumunod sa kanila papunta palabas sa kusina. Nakita ko namang kami nalang pala ang hinihintay kaya agad kaming umupo sa natitirang upuan.


Tumikhim si Ethan, "Headmaster gave us a mission." saad niya.


Nilibot ko ang tingin sa loob at labis na namangha ng tahimik lang silang nakikinig na tila naghihintay sa karugtong na sasabihin niya, "It is an important mission, at pumili na kami sa inyo na makakasama namin." pagtatapos ni Ethan.


Umabante naman si Xiana na nasa tabi ni Ethan at may kinuhang maliit na papel sa bulsa niya, "Zair, Ricky, Shana, and.." nakita ko namang napakunot ang noo si Xiana at tumingin ng maigi kay Ethan.


Tumango lang si Ethan sa kanya, tila hindi ko naman maintindihan ang ekpresyon na pinapakita ni Xiana ngunit muli itong tumikhim at tumingin sa mata ko, "Constance." nagulat naman ako ng matawag ang pangalan ko.


Nadismaya naman ang ibang hindi makakasama ngunit agad din bumalik sa dati nilang ginagawa habang inakbayan naman ako ni Zair, "Ito ang kauna-unahang misyon mo, at magkasama tayo!" tili niya.


Napatakip naman ng tenga si Ricky na nasa tabi ko na pala, "Kasama niyo ako!" saad naman niya. Lugmok naman ang balikat ni Summer na nasa harap namin kaya napatawa si Ricky at Zair, "Bawi ka nalang sa susunod." saad nila sa kanya at sabay na napatawa.


Namorn Academy (Sylverian Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon