Nagpatuloy ang magandang pakikitungo ni Cygnus sa akin. Of course, bahagi ito ng kanyang pangako na mag e-effort para mapatunayang totoo ang nararamdaman niya para sa akin.
In short, nanliligaw siya.
Para na nga akong babae kung ituring niya. Paano ba naman, mas naging maalaga at maalalahanin siya. Super alerto niya sa akin. Magugulat nalang ako bigla siyang magtatanong kung ayos lang ba ako? May problema ba ako? May ayaw ba ako? Anong gusto ko? Etc. Sa mga kinikilos niya, tila ako na ang sentro ng kanyang buhay ngayon.
Corny.
Madalas nakakalimutan ko na naman ngang nagpapanggap lang siya dahil sobrang realistic ng acting niya. Pwede na siyang mag artista. Pero buti nalang agad din akong sinasampal ng katotohanan.
Iyon nga lang, hindi ko talagang maiwasang managinip ng gising na sana kung totoong gusto na ako ni Cygnus at walang pagpapangap. Siguro sobrang saya ko na dahil sa wakas. Matapos ang ilang taon na may gusto ako sa kanya. Nagbunga ang paghihintay ko dahil gusto na din niya ako. Tapos mamuhay kaming magkasama at masaya.
Pero back to reality, walang ganun na mangyayari.
Ewan ko ba, ang tanga ko na yata. Paulit ulit kong sinasaksak sa utak ko na tanggap kong hindi talaga siya magkakagusto sa akin. Pero may 20% na bahagi puso at isip ko na umaasa pa.
Oh 'di ba? Ang tanga ko.
Ayoko na nga lang aminin ito kay Ruckus dahil alam kong tatawanan niya ako at aasarin na tama siya sa kanyang hinala. Gayunpaman, iwinawaksi ko na isip ko ang tungkol dun. Masasaktan lang ako lalo. Mag focus nalang ako sa goal ko at iyon ay ang magtrabaho na maayos sa Death Race.
Hays.
Napabuga ako ng hangin nang makalabas ako sa kwarto ko. Pasado alas syete na ng gabi. Gutom na ako kaya naisipan kong kumain na. Araw ng webes ngayon. Pagkagaling ko sa school kanina. Dumiretso ako ng uwi dito sa mansyon ni Cygnus. Tapos hindi ko namalayang nakatulog ako.
Speaking of Cygnus, hindi na naman kami nagsabay ng uwi. Pinauna niya na ako dahil may emergency silang pupuntahan ni Haruto. Magkita nalang daw kami dito sa mansyon. Hindi na ako nagtanong pa kung saan sila pupunta dahil alam ko namang tungkol na naman ito sa Gang nila. Ang ending tuloy, kakain akong mag isa ngayon. Unless kung may makasabay na naman ako tulad nung nakaraan.
Si Alora.
Pagdating ko sa dining room. Hindi na nga ako nagulat nang makitang may na una sa akin dito. Pero hindi si Alora. Ibang tao ito na hindi ko maalala ang pangalan.
Ito ang hirap dito sa mansyon ni Cygnus. Napakarami niyang tauhan. Araw-araw ay iba't ibang tao ang nakikita ko. Madalas pa hindi pormal na nagpapakilala sa akin. Kapag tatanungin ko naman ang pangalan nila. Minsan nilalayasan nalang ako basta. Although may iilan na akong kilala.
"Good evening, Jaxon." Nakangiting bati nito.
Kasalukuyan siyang inaasikaso ng katulong na nakatayo sa gilid niya. Naglalagay ito ng mga pagkain sa lamesa.
"Kain tayo. Saktong magsisimula palang ako. Sumabay ka na." Pag aaya nito.
Ngumiti lang ako bilang tugon. Akmang lalakad na ako palapit sa kanya nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ng suot kong hoodie. Nakita kong may tumatawag sa akin sa messenger.
Si Vester.
Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa tauhan ni Cygnus. Nanatili itong nakangiti sa akin na tila hinihintay akong lumapit.
"Ah, sige una ka na." Tanging na sabi ko lang.
Mabilis akong tumalikod bago lumakad palayo bitbit pa ang cellphone ko. Naghanap ako ng pwesto na pwedeng tambayan. Hanggang sa nakarating ako dito sa malawak na swimming pool. Sakto namang walang ibang tao dito kaya sinagot ko na ang tawag ni Vester.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Teen FictionNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
