CHAPTER 23

134 6 3
                                        

Wala akong ideya kung seryoso ba o nagbibiro lang si Riu dun sa sinabing niyang liligawan niya ako. Dahil nakakagulat na bigla-bigla siyang magsasabi ng ganun sa akin na kasama ko pa si Ruckus. Bukod dun, wala akong natatandaang nag confess siya sa akin na gusto niya ako.

Napaisip tuloy ako ngayon kung gay ba siya. Dahil hindi naman siya magsasabi na balak niyang ligawan ako kung hindi.

Ang gulo.

Unless kung pinagtitripan niya lang ako para asarin o galitin si Cygnus.

Nang araw na mangyari ang pag uusap naming iyon kasama si Ruckus. Inuwi ko pa sa mansyon ni Cygnus ang bulaklak na bigay niya.

Agad nga nga akong tinanong ng Ungas  kung kanino galing ito. Syempre ayoko namang magsinungaling. Sinabi ko ang totoo. Nagsalubong nga ang kanyang mga kilay nang marinig ang sagot ko. Tinanong niya pa ako kung may gusto raw ba sa akin si Riu.

Hindi ko alam bakit iyon agad ang naisip niya. Siguro dala ng inis kay Riu dahil napapansin niyang nakikipagkaibigan ito sa akin.

"Ewan. Siguro, Oo? Hindi? Malay ko." Yan ang ibinigay kong sagot kay Cygnus.

Tila gusto ko ngang bawiin iyon kaya lang, huli na dahil mas lalo siyang naghihinala na may gusto nga sa akin si Riu. Pero hindi na ako nakipagtalo pa dahil unang una, hindi ko naman siya boyfriend.

Kahit pa alam niyang may gusto ako sa kanya at may usapan na kaming papayagan ko siyang ipakita na sincere siya sa nararamdaman niya para sa akin. Wala siyang karapatang manduhan o pagalitan ako tungkol sa ibang taong may gusto sa akin.

As in, wala.

Gayunpaman, nagpatuloy ang pagcha-chat ni Riu sa akin. Sinabihan ko nga ito na bakit ako liligawan? May gusto ba siya sa akin? Nireplayan ba naman ako ng Oo, 'di ba halata? Dahil dun hindi na ako nakapag-reply pa. Balak kong kumprontahin para alamin kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Kung talagang totoo man ito. Diretsahan ko siyang tatapatin na wala siyang aasahan sa akin dahil wala akong gusto sa kanya. Ayokong umasa siya. Bukod dun, sagabal siya sa plano ko para kay Cygnus.

Paano kami makakadiretso ng acting nito sa isa't isa kung may e-eksenang tulad ni Riu?

"Jax?" Rinig kong tawag ng kung sino.

Napakurap kurap ako nang mapansin si Ruckus na kanina pa yata ako tinatapik sa braso. Kunot noo ko siyang tinitigan. May kung sino siyang inginunguso sa di kalayuan. Agad kong ibinaling ang tingin sa tinuturo niya. Ganun nalang ang gulat ko nang makita ang Prof namin na masama ang tingin sa akin. Nakangiwi akong humingi ng pasensya. Iiling iling naman itong nagpatuloy sa patuturo.

Ilang minuto pa ang lumipas. Natapos ang unang klase namin para sa araw na ito. Dahil halos may trenta minutos pa kami bago magsimula ang susunod. Kani-kaniyang alis ang mga kaklase ko. Ako at si Ruckus nalang ang naiwan dito sa classroom.

"Ayaw mo bang mag lunch na?" Tanong nito sabay sulyap sa wrist watch niya.

"Mamaya na. Maaga pa. Sasabay tayo kay Cygnus."

Pasado alas dyes palang ng umaga kaya ang pangit ng timing kung kakain kami agad ng lunch lalo at hindi pa naman ako gutom. Isa pa, kailangan ko ngang sumabay kay Cygnus.

"Okay. Hindi pa naman ako gutom. Kaya dito muna nalang tayo magpalipas ng oras."

Nakangiti niyang isinandal ang kanyang likuran sa kinauupuan bago pumikit na tila balak pa yatang matulog.

"Kumusta 'yong bago mong Crush? Nakausap mo na ba?" Naisip kong tanong.

Umiling siya habang na nanatiling nakapikit.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon