CHAPTER 21

176 14 2
                                        

Malapad ang ngiti ni Elizeo habang nakatingin sa aming dalawa ni Ruckus. Hindi ko tuloy maiwasang mailang lalo at alam niya ang dahilan kung bakit namin siya kinausap ngayon.

Pagtapos ng klase namin kanina. Inaya namin siya ni Ruckus na magtungo dito sa coffee shop na malapit sa school para kausapin. Agad naman siyang pumayag. Buti na nga lang talaga nagkaroon nang biglaang lakad si Cygnus ngayong hapon kaya hindi kami magsasabay pauwi. Basta magkita nalang daw kami mamaya.

Nagbilin pa siya sa akin na umuwi ako agad ng sabihin kong gagala ako saglit kasama si Ruckus.

"Matutulungan mo ba kami?" Si Ruckus na seryosong nakatitig kay Elizeo.

Kanina niya pa ito pinagmamasdan na tila binabasa kung anong nasa isip nito.

"Of course, ako pa. Magaling ako dyan."

Nagkatinginan kami ni Ruckus bago sabay na bumaling ulit ng tingin sa kausap.

"Halata naman, 'eh." Komento ko na ikinatawa nito.

"Teka sino bang lalandiin nyong dalawa?"

Napa-ubo ako bigla dahil sa narinig.

"Basta. Huwag ka na magtanong. Tulungan mo nalang kami. Kailangan namin ng ideya dahil hindi kami marunong." Nakasimangot na sagot ni Ruckus.

Tumango ako bilang pagsang ayon kaya napasipol si Elizeo. Maarte nitong pinag-ekis ang mga braso.

Buong akala niya talaga dalawa kami ni Ruckus na nanghihingi ng payo. Hindi niya alam ako lang talaga. Sadyang hindi lang pinapaalam ni Ruckus ang totoo dahil alam niyang nahihiya ako.

Unless kung mayroon din talaga siyang lalandiin.

"Madali lang yan. May mga steps akong ituturo sa inyo."

Bahagya akong nagulat nang makitang naglabas ng ballpen at notebook si Ruckus sa bag niyang dala.

"Sige, simulan mo." Sabi nito na naka-handang isulat ano man ang sasabihin ni Elizeo.

Pinigilan kong matawa sa nakikita. Mukhang sa aming dalawa. Mas interesado siya sa ibabahagi ni Elizeo. Curious tuloy akong gagamitin niya ito kay Haruto.

"Unang steps, daanin mo sa physical touch."

Napakurap kurap ako.

"Physical touch?"

Ngumiti si Elizeo sa akin.

"Yup, hawakan mo sa kamay, braso, leeg, or kahit balikat. Pwede din na yakapin mo. Pero huwag mong ipahalata na sinasadya mo yung gawin. Tignan mo, mapapaisip 'yan."

Napatingin kaming dalawa kay Ruckus nang marinig ang malutong na tawa nito.

"Sakto. Love language ko yan."

Literal na tumaas ang isang kilay ko dahil dun.

"Ah talaga ba? Bakit parang hindi ko alam yan? Ni hug nga o kahit holding hands. Hindi mo ginagawa sa akin." Tila pagtatampong sabi ko.

Ngumisi ang Ungas.

"Eh hindi naman kita crush."

Nakasimangot ko siyang siniko kaya natawa siya. Sabay kaming napatingin kay Elizeo nang marinig ang pilit na ubo nito.

"Mag focus kayo sa sinasabi ko." Saway nito.

Natatawang tumango ako.

"Yes, Mam." Pagbibiro ko na ikinagiti niya.

Ganyan ang gusto niya. Yung tatawagin siyang Mam.

"Pangalawa, huwag kalimutan ang eye contact. Lagkitan mo ang titig mo sa kanya with pamatay na facial expression." Pagpapatuloy nito.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon