"Sino ka?" Iyan ang tanong nitong babaeng kasama ni Cygnus.
Imbes na sumagot. Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang dalawa na ngayon ay nakatayo sa tapat ko.
"Siya si Jaxon." Simpleng pakilala ni Cygnus sa akin.
Natawa ako nang makita ang paglaki ng mga mata ng babae na tila may naalala matapos marinig ang pangalan ko.
"Oh, hi. Ikaw pala 'yon." Sabi nito na ikina-tango ko lang.
Marami na yatang ikinuwento si Cygnus dito sa babae tungkol sa akin.
"Bella, iwan mo na kami. Ngayon na."
Agad napasimangot ang babae. Mukhang balak niya pa sanang magreklamo kay Cygnus pero tila nagbago ang kanyang isip. Dahil padabog na siyang tumalikod bago lumakad palabas nitong kwarto. Lihim akong natuwa dahil dun. Nang saktong pagharap ko kay Cygnus. Nagulat ako nang makitang nakalapit na sa akin ang Ungas.
As in sobrang lapit to the point na baka magkapalitan na kami ng mukha. Kaya agad akong umatras palayo pero mabilis niyang hinawakan ang kanang braso ko.
"Mali ka ng iniisip. Wala kaming relasyon ng babaeng 'yon."
Peke akong napangit. Hindi na ako magtataka na agad niyang nabasa kung anong nasa isip ko.
"Wala? Eh anong ginagawa niya sa kwarto mo? Namamasyal? Nang ganitong oras? Super close naman yata kayo."
Ewan ko pero iba kutob ko sa isang 'yon. Hindi ako sure kung isa ba siya sa tauhan ni Cygnus dito sa Mugen Gang o sadyang may ugnayan sila na hindi pwedeng malaman ng iba.
"Malapit na kaibigan ko ang kapatid niya kaya malaya siyang nakakapasok dito sa mansyon."
"Woah, kaya pala close kayo. Na tipong nakadagan pa siya sayo?"
Naramdaman ko ang kanyang paghaplos sa braso kong na nanatili niyang hawak.
"Jax, wala nga kaming relasyon. Nagulat nalang ako sumunod siya sa akin dito. Nabalitaan niya kasing napalaban kami kanina. Concern daw siya sa akin. Malay ko bang itutulak niya ako sa kama. Palalabasin ko na sana siya. Sakto namang dumating ka."
Gusto ko mang maniwala sa paliwanag niya. Wala namang saysay dahil hindi ko naman siya masisisi kung sakaling maakit siya sa babae. Syempre straight pa din siya. Kahit sinong lalaki hindi talaga tatangihan ang isang babae lalo na kung maganda at sexy. Mas mabilis ang bugso ng atraksyon nila doon kaysa sa kapwa nila lalaki.
"Fine. Sige na. Matutulog na ako." Paalam ko sabay tabig ng kamay niya sa braso ko.
Tinalikuran ko na siya pero bago pa ako makalakad palapit sa pinto muli niya akong hinawakan kaya natigilan ako.
"Ganun nalang yun? Pumunta ka dito para kumustahin ako. Tama ba? Tapos aalis ka agad?"
Napasimangot ako nang mapansin ang kakaibang ngisi niya. Kaya kitang kita na naman ng mga kata ko ang kagwapuhan niyang nakakabwisit na.
"Nabanggit ni Alora kung saan kayo galing. Mukha naman okay ka lang kaya aalis na ako."
Binitiwan niya ako sabay turo ng kanyang sugat sa gilid ng labi. Itinuro niya din ang tatlong band aid na nakatapal sa kanyang pisngi.
"Mukha ba akong, okay? Masakit kaya 'to. Kailangan ko ng hug mo."
Akmang yayakapin niya ako nang bigla kong itulak siya sa kanang dibdib.
"Ang arte. Dun ka kay Bella magpayakap."
Si Bella na mas maganda pa si Ford kung magiging babae ito.
"Nagseselos ka ba?"
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: JAGUAR
Teen FictionNang masaktan sa pag ibig si Jaguar. Ipinangako niyang hindi na siya magkakagusto ulit. Mag susumikap nalang siya sa pagtatrabaho bilang race driver sa Death Race. Kaya lang, muling nagpakita sa kanya ang dating nagugustuhan na si Cygnus Mugen na ki...
