CHAPTER 20

173 11 1
                                        

Lunes palang pero gusto ko na agad sumapit ang sabado dahil tamad na tamad akong pumasok ngayong araw. Pinilit ko nga lang bumangon kahit antok na antok pa din ako. Panay nga ang hikab ko habang naghihintay kay si Cygnus. Siguro dahil ito sa late na ako nakatulog kagabi.

Paano ba naman, nakipagtsismisan pa ako sa group chat naming magkaklase. Ang ganda kasi ng topic. Tungkol sa sitwasyon ni Timotheo.

Basta nalang ito umamin sa gc namin na Gay daw siya. Tapos nanghihingi siya ng advice kung paano siya magugustuhan ng taong gusto niya. Syempre bilang mga kaklase niya. Isa-isa kaming nagbigay ng mga maipapayo na pwede niyang sundin o basahin lang.

Naalala ko tuloy yung araw na nakita namin siya ni Ruckus sa mall. Ibig sabihin, totoo ang nasa isip namin nung oras na yun. Nakakatuwa lang dahil malakas ang loob niya sa ganitong bagay. Samantalang ako hindi.

Although ramdam kong parang alam naman na nila. Siguro hinihintay lang nila ako umamin. Which is good dahil at least, alam kong naunawaan nila ako. Same sa mga kasamahan ko sa Expedallion. Naghihintay lang sila na ako mismo mag open up sa kanila about sa sekswalidad ko.

"Jax." Rinig kong tawag ng kung sino.

Pag angat ako ng tingin. Tumambad sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Cygnus. Amoy na amoy ko agad ang pamilyar niyang pabango.

Tahimik ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at tulad ng nakasanayan kong makita. Bagay na bagay talaga sa kanya ang suot niyang uniform. Kahit simple lang ito, ang lakas pa din ng dating. Palibhasa yung katawan niya pang modelo. Saka may lahi din kasi siya kaya over all. Gwapo talaga kahit saang anggulo tignan.

Pero straight naman.

Kahit gaano ko pa siya kagusto. Kung hindi naman niya ako gusto. Balewala din ang pagpapatansya ko na sana balang araw maging kami. Dahil magunaw man ang mundo. Hindi siya babaliko sa isang katulad ko. Unless kung magkaroon ng himala.

"Alam kong gwapo ako. Kaya tama na sa kakatitig. Kinikilig ako." Biglang sabi nito na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Gustuhin ko mang matuwa sa narinig. Tila wala na itong saysay sa akin matapos kong malaman ang totoong dahilan bakit siya ganyan sa akin ngayon. Pero syempre papatalo ba 'ko?

"Gwapo ka naman talaga." Sabi ko habang ngisi.

Bahagya naman siyang natawa.

"Pero mas gwapo pa din si Riu. Ganun mga type ko ngayon, 'eh. Mga chinito." Pag bawi ko.

Agad na nawala ang ngiti sa labi niya na ikinibit balikat ko lang. Balak ko sanang pumasok sa kwarto niya. Pero bigla niyang hinigit ang kanang braso ko.

"Anong sabi mo? Mas gwapo siya kaysa sa akin?"

Itinuro niya pa talaga ang sarili niya kaya muli akong napangisi.

"Oo."

Nagsalubong ang mga kilay niya tapos binitiwan ang braso ko.

"Paanong naging gwapo 'yon? Halos wala na ngang mata. Mas gwapo pa din ako. At least ako, blue ang mata."

Taas noo niyang sinuklay ang kanyang buhok, gamit ang kanang kamay. Ngumiti pa siya sa akin na tila nagpapa-cute siya.

"Oo, mas gwapo ka na. Pero hindi mo maitatangging malakas ang dating ni Riu."

Kung hindi lang siguro ako inlab dito kay Cygnus baka naging crush ko na si Riu. Ang gwapo din kasi ng isang iyon.

"Pero sabi mo, ganun mga type mo?"

Imbes na sumagot sa kanyang tanong. Tuluyan ko siyang tinalikuran. Pumasok na ako sa kotse niya. Agad ko namang naramdaman ang pagsunod niya. As usual, nasa driver seat ako habang siya nandito sa front seat katabi ko.

Expedallion Crusader: JAGUARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon