"Thank you." sabi ko nang iabot ni Ate Charlotte ang pagkain sa akin.
Good thing, may mini-desk ang bawat upuan ng bus. Doon ko ipinatong ang pack-lunch na inihanda ni Francois, at saka tahimik na sinimulan ang pagkain. Kung hindi lamang dahil sa magic, malamang ay tinangay na ang aking kinakain dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan. Blurry images na lamang ang sumasalubong sa akin sa tuwing susulyap ako sa bintana. Sa loob ay parang nakahinto lamang ang bus; hindi rin napakikiramdaman ang mga lubak na nadaraanan.
Natutulog na sina Francois at Ate Charlotte nang matapos ako mananghalian. I decided na maglakad-lakad para madaling bumaba at matunaw ang aking mga kinain. Gusto ko ring silipin kung ano ang meron sa itaas na parte ng bus. Dahan-dahan akong umalis sa aking pwesto, hindi na ako nakapagpaalam dahil ayaw ko na istorbohin ang dalawa.
Nasa may unahang parte kami ng bus nakapwesto. Tinapunan ako ng tingin ng konduktor ng bus, mabuti at hindi niya ako sinaway. Tiningnan ko ang mga pasahero na nakasakay. Karamihan sa kanila ay mga tulog na rin. Iyong iba ay nagbabasa na dyaryo, at mayroon namang mga nakatunganga lamang sa may bintana at malalim na nag-iisip.
I decided to ignore those na nakatingin sa akin. Nagmadali akong umakyat pataas sa ikalawang bahagi ng bus. Akala ko ay kapareho lamang iyon no'ng nasa baba pero sa halip na upuan, kama ang mga nakalagay roon. Kagaya sa baba, mayroon ding C.R na matatagpuan dito. Mga pamilya ang mga pasaherong naririto, madalas ay may mga kasama na maliliit na bata kaya naman may kaingayan dito.
Muli akong bumalik sa aking pwesto bago tuluyang magising sina Ate Charlotte at Francois. Bumigat ang mga talukap ng aking mga mata dahil sa pagdalaw ng antok. Mayroong ipinatutugtog na musika, nakawiwili iyong pakinggan kaya naman walang nagrereklamong pasahero. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng bus at tuluyan ng nakatulog.
Naalimpungatan ako na nakasandal sa balikat ni Ate Charlotte. Humihikab ako habang nag-aayos ng upo. Sinipat ko ang oras sa relong suot ko; alas-2 na ng hapon. Nakita ko na nakaayos na ang aming mga bagahe sa baba, mukhang malapit na kami sa aming destinasyon. Nakakailang hinto na rin ang bus dahil bumababa na ang karamihan sa mga pasahero.
"Francois.." tawag ko para makuha ang atensyon niya. Nilingon niya ako na bakas ang pagtatanong ng "bakit" sa kaniyang ekspreyon.
"Saan ako titira?" mahinang tanong ko ulit sa kaniya.
"Sa amin po, Lady Seraph. Ako na po ang mag-aalaga sa inyo habang naririto kayo sa Nexus." sagot niya at nakangiti akong tumango.
"Umayos na kayo, bababa na tayo." habilin niya sa amin ni Ate Charlotte.
Kinuha ko ang salamin na nasa aking pouch at sinilip ang aking itsura. Inayos ko ang pagkakasuklay ng aking buhok at nilapatan ng lipstick ang aking labi, naglagay rin ako ng face powder sa mukha. Pagkatapos ay inisa-isa ko nang hawakan ang aking mga bagahe.
"Grandcrest Ark Ville!!!" sigaw ng konduktor. Tumayo sina Francois at Ate Charlotte dala-dala ang kanilang mga bagahe. Mabilis akong umalis sa aking pagkakaupo para damputin ang mga gamit ko na nasa baba at sumunod sa kanila. Ang ilan sa mga pasahero ay nagsitayuan na rin; dahil sa malapit kami sa pintuan, hindi kami ganoon nahirapan sa pagbaba ng bus.
Maraming mga witches at wizards ang nag-aabang sa mga pasaherong dumarating. Agaw pansin sa aking atensyon ang mga pananamit nila, kakaiba ito sa mga kasuotan na ginagamit ng mga tao sa mundo ng mga normal. Pakiramdam ko, nasa fourteenth century ako dahil sa pananamit ng mga tao sa paligid. Mukhang sa Nexus, ganito ang pang-araw-araw nilang kasuotan. Napagtanto ko na ang mga sumasakay galing sa Roothallow Terminal ay nagmula sa labas ng Nexus, dahil ang mga kasuotan na ginagamit namin ay kagaya ng sa mga tao na normal.
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...