Chapter IX: Friends

211 16 1
                                    

"Probably the best-known characteristic of witches and wizards are their ability to cast a spell. Mapa-secular man, coven, or halyn ay may kakayahang gawin ito. Pinagkakaiba lamang ng mga uri natin ay ang ating special ability. Forte ng mga coven witches at wizards ang patungkol sa panggagamot, at pagbabagong anyo naman ang para sa kabilang sa secular. Ngayon class, kung mayroon man sa inyo ang nagmula sa pamilya na kinabibilangan na ng mga halyn o mga kakilala, tiyak na mayroon na kayong kaalaman patungkol sa kakayahang nagagawa nila at ang paggamit ng-."

Mataman akong nakikinig habang nagtuturo sa unahan ang professor. Dinampot niya ang piraso ng chalk at isinulat ang salitang aura sa pisara.

"Ang aura ay isang klase ng enerhiya na inilalabas mula sa pangangatawan ng isang inidbidwal. Nagtataglay ang bawat tao, hayop, o bagay ng aura sa kanilang katawan. Miski na rin ang kapaligiran o isang lugar katulad ng silid ay binabalutan din ng aura. Sa paglakas ng aura ng isang indibidwal, napalalakas din nito ang impact o dating sa ibang taong kaniyang makakausap o kahit na makakasalubong man lang. Marahil ay naguguluhan kayo kaya naman magbibigay ako ng isang simpleng halimbawa. Kapag nakakrus ka ng landas sa isang mabangis na halimaw, makararamdam ka ng takot. Nagmumula iyon sa bigat na iyong nararamdaman dahil sa aura na inilalabas ng halimaw na iyon. Hindi ninyo maigalaw ang inyong pangangatawan o makakilos para agad na makatakbo. Isa pang halimbawa, ang isang makalumang gusali ay kadalasang hindi pinapasukan ng mga tao sapagkat sa idinudulot na nakakatakot na aura na nangingibabaw sa ere nito." mahabang paliwanag ni Prof.

"Napunta kayo sa Amberoid dahil nagtataglay kayo ng mga qualities ng pagiging isang Halyn witch or wizard. Ang aura na nasa inyong pangangatawan ay magagawa ninyong mailipat patungo sa isang bagay. Maaari din ninyo itong mas palakasin, subalit huwag ninyong kalilimutan na bawat pangangatawan ay mayroong limitasyon sa aura na kaya lamang nitong taglayin. Sa oras na hindi ninyo makontrol ang aura-"

Sandaling tumigil sa pagsasalita si Professor Norwood at inilabas ang kaniyang wand. Itinapat niya iyon sa pader at ibinigkas ang salitang "Destructo". Nagkapira-piraso ang mga bricks na naroroon at naglikha ng malaking butas dahilan para tuluyang makita ang kabilang bahagi ng pader.

"Ganiyan ang mangyayari sa inyo." sabi niya at itinuro ang wasak na pader.

"Tinatawag na Hashira ang mga indibidwal na may kakayahang gamitin ang kanilang aura. Sa mga oras na ito, malamang ay wala pa sa inyo ang kayang gawin ang bagay na iyon. Nasisiguro ko na nakasarado pa ang mga pores na nasa inyong katawan kung saan lumalabas ang aura ng isang tao. Mayroong iba't ibang uri ng Hashira, kabuuan ay anim, sapagkat iba't iba rin ang paraan kung papaano maaaring magamit ng isang witch or wizard ang aura niya. Sa pamamagitan ng isasagawang test, malalaman ninyo kung saan at alin ang nararapat na uring inyong dapat kabilangan."

Muling nagsulat ang guro sa pisara. Siguro matalino si Prof. Dante. Diba kapag karag at magulo raw magsulat ay ganoon kasi masyado raw mabilis mag-function ang utak. Nabasa ko 'yon dati, hindi lang ako nakatitiyak kung tama ang explanation na sinabi ko kaya naman huwag ninyo akong paniniwalaan. Aaminin ko na hindi rin ako maayos sumulat, pero hindi rin naman ako matalino. Siguro nasa average lang; hanggang doon na lang ang kaya kong gamitin pan-describe.

Types of Hashira Users:

1. Specialists

2. Enhancers

3. Transmuters

4. Emmiters

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon