Chapter V: Mail

269 17 0
                                    

"Damn it!"

Ilang linggo na mula nang manirahan ako rito sa G. A. V. kasama sina Francois. Ramdam ko ang pagsalubong ng aking mga kilay dahil sa inis. Pagwawalis na lamang nga ang aking ambag dito sa bahay tapos hindi ko pa magawa ng maayos. Paano ba naman kasi, matangkad pa sa akin iyong broomstick na hawak-hawak ko. Seriously? Hindi ko alam kung bakit ganito kalaki ang walis nina Francois, as if naman mga eight footer ang height nila.

"Nagkakalat ka lang, hindi naglilinis." bungisngis ni Fletcher na kanina pa ako pinagtatawanan.

"Whatever." sabi ko at inirapan siya.

Bigla na lamang sumulpot ang gnome na 'yon, akala ko ay hindi na siya magpapakita sa akin matapos ang una naming pangita. May sa unggoy ata ang lahi niya dahil ang galing niya mangalakyat sa puno. Tumatalon-talon pa siya sa mga sanga para maglaglagan iyong mga dahon tapos kakalat ulit sa lupa na aking winawalisan.

"Saluhin mo!"

Nabigla ako ng ibinato niya sa aking direksyon ang hawak niyang bunga ng apple. Hindi kaagad ako nakabalik sa wisyo kaya tumama iyon sa noo ko. Kaagad kong nabitawan ang walis at hinawakan iyon. Nakapa ko na parang mayroon akong maliit na bukol. Argh!

"What the hell!" galit ko sabi.

"Kamay kasi ang pinapansalo, noo naman ang ginamit mo."

"What?! Ikaw iyong bigla-bigla na lamang mambabato riyan."

"Bingi ka ba? Sinabi ko kayang saluhin mo."

Nagpapadyak ako sa inis. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako dahil doon. Isa sa hindi ko gusto sa sarili ko ay sa tuwing makakaramdam ako ng sobrang galit o kaya ay inis, napapaiyak na lamang ako. Parang ewan!

"Hindi ko alam kung ano, pero pakiramdam ko, ayaw mo sa bata Fletcher. Ganiyan ka rin sa'kin dati."

Nabaling ang atensyon naming pareho sa kararating lamang na si Ate Charlotte. Umiiling-iling pa ang kaniyang ulo habang naglalakad at mukhang patungo papunta sa akin. Hindi ako nagkamali ng huminto siya sa harapan ko.  Mula sa ulo hanggang sa paa ay kaniya niya akong tiningnan pero natuon ang kaniyang pansin sa walis na nasa aking paanan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Eh? Tinapunan ko siya ng naguguluhang ekspreyon. Hindi ko alam kung bakit siya tumatawa, hindi ko maintindihan. Pero, hindi naman siguro, HINDI NAMAN AKO ANG PINAGTATAWANAN NIYA DIBA?!

"S-sorry Seraph, ang c-cute mo kasi." natatawa pa rin na sabi niya sa akin. Inalis niya ang ilang patak ng luha na nakuha niya mula sa kaniyang labis na pagtawa. Dinampot niya ang walis na nasa paanan ko. I was shocked nang sinakyan niya iyon.

"Up!" sigaw niya at umangat iyong broomstick pataas. Cool! Parang iyong kagaya nong mga witches na napapanood ko. May ganoon din pala silang ginagamit.

"This isn't an ordinary broomstick." sabi ni Ate mula sa ere. Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot na damit. Kaya naman pala masyadong malaki iyon para gamitin sa pagwawalis.

"Sorry, I don't know." paumanhin ko.

"Nevermind, ikaw naman Fletcher, bakit hindi mo man lang ipinaalam kay Seraph." baling ni ate sa gnome.

"Nagtanong ba siya." pilosopong sabi ni Fletcher sa kaniya.

"Gusto mo bang matuto nito?" tanong ni ate habang bumababang muli sa lupa. Mabilis akong tumango sa kaniya.

Nagpaalam si ate sa akin na kukuha lamang siya ng isa pang broomstick. Inintay ko siya hanggang sa siya'y muling makabalik. Mayroon siyang hawak na katulad noong kanina. Marahan siyang lumapit sa akin at nakangiting inilahad iyon sa aking harapan. Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon