Mag-iisang buwan na ang lumipas nang malaman ko ang tunay na nangyari sa aking mga magulang. Parati akong binibisita para kumustahin ni Ate Charlotte. Minsan ay kasama niya si Ate Harriet. Kung hindi dahil sa kanila, siguro hanggang ngayon ay hindi ko magagawang maging okay kahit papaano. Gayon pa man, pinangako ko sa aking sarili na hahanapin ko kung sino ang may kagagawan niyon at pagbabayarin ko sila anuman ang mangyari.
Malapit na ang pagtatapos ng Oktubre. Pinaka-inaabangan ng mga estudyante ang nalalapit na long weekend vacation. Nakagawian nang magkaroon ng isang linggo na pansamantalang break ang mga mag-aaral. Pinapayagan ang bawat isa na makauwi sa kani-kanilang mga tahanan at babalik sa ikatlong araw ng Nobyembre.
Puspusan ngayon nang intindi ng mga requirements dahil kasabay ng nalalapit na bakasyon ang nalalapit din naming examination. Nakakaumay ang dami ng pointers na kailangan naming i-review. Wala sa lahat ng aming subjects ang dapat na maibagsak or else, uulitin mo iyon habang bakasyon hanggang sa makapasa ka.
Kagabi, lihim kaming pumunta sa dungeon kasama sina Penelope, Morgan, pati ang mga boys para gawin ang project namin sa potion. Pasahan na kasi nito ngayon at si Morgan pa lamang ang nakakatapos sa amin. Muntikan pa kaming mahuli ng caretaker dahil sumabog iyong ginagawang potion ni Oliver. Halos mamatay ako sa kaba noong mga oras na 'yon.
Ngayon ay nasa library ako at mag-isang nagbabasa. Malawak ito at nagtataasang mga shelves ang naririto. Siguro ay nasa isang libo mahigit ang mga librong naka-imbak dito. Gusto ko sana na humiram para sa dorm na lamang ako mag-aaral pero sabi n'ong masungit na librarian, bawal raw iuwi ang libro tuwing ganito at nalalapit ang exam. Kesyo raw, hindi lamang ako ang magbabasa niyon.
Inalis ko ang suot kong salamin para kusutin ang aking mga mata. Inaantok na ako at parang wala naman sa aking binabasa ang pumapasok sa aking utak. Sa sobrang kapal ng librong hawak ko ngayon, paghawak pa lamang ay tatamarin ka na dahil mabigat iyon.
Nang mabasa ko ng isang pasadahan, hindi ko na inuulit. Familiarize raw diba, not memorize. Sana lang sa exam, huwag puro familiar lamang.
Tumingin ako sa aking ginawang schedule. Literature ang huling subject na aaralin ko ngayong araw. Nagulat ka rin ba na mayroon ding ganitong subject sa Hurnorth? In fact, mayroon din ngang witches and wizards na authors, kagaya nina Joey Rowling at Louis Carrol .
Binabasa ko ang poem na pinamagatang Dead Star. Gagawan namin iyon ng 1000 words essay. Sa kasamaang palad, hindi ko ito gaanong maintindihan. Kaiba sa story, malalim ang ginagamit na mga salita sa tula at hindi direkta. Tinatago ang kahulugan nito sa bawat pangungusap. In short, hindi literal.
"Magulo pa sa magulo 'to." reklamo ko.
"Lower down your voice."
Itinunghay ko ang aking ulo para i-check kung sino ang nagsalita, gayon na rin, alamin kung para sa akin ba 'yon. Hindi ko inaasahan ang tao na naka-upo sa harapan ko. Napaayos ako ng aking tayo para kausapin siya.
"Ehann, ikaw pala." naiilang na bati ko. Ngayon ko lamang siya makakausap dahil hindi kami nagpapansinan sa classroom. I mean, walang dahilan para magpansinan kasi in the first place, hindi naman kami close.
"Stop looking at me like that." -ako.
"Like what?" nakataas ang isa sa makapal niyang kilay na tanong sa akin.
"That, para kang robot na walang emosyon." mahinang sagot ko.
Totoo naman 'yon. Masyado siyang malamig makitungo. Para bang tamad na tamad siya sa buhay at laging mukhang bored kung titingin o aasta sa harapan ng isang tao.
"What do you want me to do? Kindat-kindatan ka?" sarcastic na sabi niya na ikinabigla ko.
"What?! I've never said that!"
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...