Chapter XVI: Haunted House

165 15 1
                                    

Mataas na ang sinag ng araw. Lagpas alas-nuebe na ng umaga at kasalukuyan pa rin akong nakasalampak sa aking kama, nakikipagtitigan sa kisame. Sa totoo lang, ilang minuto na akong gising, pero tinatamad akong bumangon sa higaan.

Dahil napaaga sa inaasahan ang pagbalik namin dito sa Hurnorth, wala ng saysay kung uuwi pa ako kina Francois dahil ngayong araw na ang Halloween. Isa pa dahil holiday ngayon, walang biyahe ang karamihan sa mga transportasyon. Idagdag pa na hindi ko alam kung saan kukuha ng perang pampamasahe.

Mukhang sinapian ako ng sobrang katamaran ngayon. Mula sa pag-aayos ng aking higaan, paglilinis ng aking room, at miski ang pag-inom ng tubig ay ginamitan ko ng magic. Kadalasan kasi ay minamano-mano ko ito dahil nakasanayan ko na rin itong gawin sa dati naming bahay. Siguro kung lahat ay may kakayahan na makagamit ng mahika, malamang magiging madali na lamang ang mga gawain. Iyon lamang nga, sigurado na aasa ang mga tao at wala ng matututunan sa buhay.

Matapos ang pag-aayos ng aking sarili, bitbit ko ang aking manikang si Lilith habang palabas ng aking silid. Siguro naman ay kakaunti na lamang ang kumakain ng breakfast dahil anong oras na. Wala akong matinong plano na nakatakda buong araw. Siguro ay magdarasal na lamang ako sa aking kwarto buong magdamag para sa mga kaluluwa ng mga namayapa kong minamahal. Magdaragadag na rin siguro ako ng mga tula at awiting ginawa ko dati. Though, wala akong talent sa pagkanta, baka maging tula na lamang ang kalabasan nilang lahat.

Ibang iba sa nakasanayan ang ayos ngayon ng dormitory. Mayroong mga pumpkins, spider, webs at kung ano-ano pang Halloween decorations. Ilan pa sa mga ilaw ay pinagmukhang sira o di kaya naman ay pundido, kaya naman medyo may pagkadilim. Mistulang mayroong smoke screen rin sa paligid pero hindi naman totally nakababalakid sa paningin.

"Wait a second.."

Napahinto ako nang mapatapat ako sa isang salamin. I was surprised, wala akong repleksyon doon. Para akong isang vampire, though nakikita ko pa rin ang mga dumaraan sa likod ko. I wonder what kind of magic did they used to this. It's pretty cool, huh.

Pagkapasok ko sa dining hall, tulad ng aking inaasahan ay hindi na ganoon karami ang mga estudyante. Kapalit lamang nito, kakaunti at mga common na lamang ang mga pagkain na natitira. I decided na mag-fried rice, itlog, at hotdog na lamang ang kainin. Kumuha rin ako ng cup of coffee dahil pakiramdam ko ay inaantok pa rin ako hanggang sa ngayon.

Tahimik akong kumakain nang may maglapag ng tray sa aking harapan. Iniangat ko ang aking paningin para tingnan kung sino iyon, it was Alistair.

"Good morning.." bati niya at umupo sa bakanteng upuan. Hindi man lamang siya nagpaalam or kinonsulta kung papayag ba ako; pero sabagay, hindi ko naman property ang dining hall.

"Morning.." sabi ko pabalik.

Walang nagtangka na bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. Ngayon ko lamang nakasama si Alistair kaya nakararamdam ako ng kaunting pagkailang. Hindi naman siya masungit, sadyang sa buong klase, siya ang pinakatahimik. Rare na mag-approach siya sa isa sa amin maliban kay Ehann at Oliver.

"Anong meron?" tanong ko.

Napahinto siya sandali sa pagkain at tinapunan ako ng tingin. Sumalubong sa akin ang pares ng kaniyang itim na mga mata.

His dark hair hung in unruly waves, casting deep shadows over his brooding eyes. Those eyes, like pools of obsidian, held an air of mystery, with an intensity that seemed to hide untold stories.

As he spoke, his voice was deep and resonant, carrying an air of quiet confidence. His features were strong and angular, a testament to his maturity beyond his years. With every step he took, he seemed to possess a natural grace and a presence that drew people in.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon