Chapter XI: Dream

194 14 1
                                    

[ CHARLOTTE POINT OF VIEW ]

"Ayaw ko talaga ng History of Magic! Napakaraming dates at mga kung sino-sinong tao!" reklamo ko at padabog na ibinagsak ang binabasa kong libro.

"Sige, masira 'yan. Lagot ka sa librarian." banta ni Mariah.

"Ang punto ko lang naman, bakit ba pinag-aaralan pa ang mga bagay na nakalipas na? Hindi ba sila maka-move on! Tapos na nga eh, patay na 'yong mga tao na naririto!" -ako.

"Alam mo may point ka naman, pointless nga lang. Sabihin mo, tinatamad ka lang mag-review." sabi niya at inirapan ako.

"Pahingi nga."

Kinuha ko ang kinakain niya na pizza. Iniintay ko na alukin niya ako pero hindi niya ginawa. Ito talagang babae na 'to, wala man lang pakiramdam. Sabihin n'yo nga kung papano ko nagawang maging kaibigan siya.

Hindi ako na-inform na ganito pala ka-stress ang pagiging graduating. Petiks-petiks lamang ako n'ong fourth year! Gusto ko na tuloy bumalik sa bahay at huwag nang mag-aral. Wala akong matinong plano sa buhay dahil paiba-iba ang trip kong gawin. Mabilis akong magsawa kapag nahirapan ako. Alangan naman na mag-stick ako d'on sa magbibigay hassle sa'kin.

Nagtagal din ako sa room ni Mariah bago ako magpasya na bumalik sa aking kwarto. Parati akong nakatambay rito dahil nabuburyo ako kapag mag-isa lamang ako. Kahit na pinapalayas niya ako madalas dahil nagkakalat lamang daw ako, hindi ko naman siya sinusunod. Nakakasawa nang kausapin ang sarili ko sa salamin.

Pagkapasok ko sa aking room, nakita ko ang sulat na nasa ibabaw ng bedside cabinet. Dapat ay noong isang linggo ko pa 'yon ipadadala kay Auntie Francois pero lagi kong nakakalimutan.

Nagpalit ako ng damit at saka dinampot iyon para bumalik sa kastilyo. Masaya akong naglalakad habang nagkakakanta-kanta pa. Ilan sa mga kaklase ko ang nakasalubong ko kaya naman agad ko silang kinayawan at binati.

Pagkarating sa post office ng Hurnorth, pinili ko ang paborito kong crow. Actually, medyo nakakairita ang isang 'yon pero natutuwa ako na asarin siya. Kahit gaano pa siya magreklamo, wala siyang choice kundi i-deliver pa rin ang aking sulat. Siya ang talo dahil napakalayo ng Grandcrest Ark Ville dito, tiyak na mapapagod ang kaniyang pakpak sa kakalipad.

"Yuichira, nasaan ka?" sabi ko at hinanap ang uwak. Hindi rin nagtagal at nakita ko iyong nagtatago sa sulok ng silid. Tinatakpan pa niya ang kaniyang ulo ng kaniyang mga pakpak.

"Ginagawa mo? May tinataguan ka ata?" asar ko.

"Pagod ako, huwag ako ang pagdalhin mo niyan." maarteng sabi niya. Siya lamang ang uwak na nakita kong may suot na kwintas sa kaniyang leeg at maliliit na porselas sa kaniyang mga paa.

Nagkunwari ako na walang narinig at binuhat siya patungo sa bintana. Nagpupumiglas pa siya, mabuti na lamang at hindi niya ako tinutuka. Iniipit ko ang sulat sa kaniya tuka saka ihinagis siya palabas na akala mo ay isang kalapati.

"Adios!" sigaw ko.

Pagharap ko ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang babae na kapapasok lamang din. Muli kong nasilayan ang kaniyang misteryosang mukha.

In a world where mystery and enigma were woven into the very fabric of existence, I encountered a girl who embodied an ethereal allure that left me utterly captivated. Her hair was a shimmering cascade of pure white, a stark contrast against her pale, alabaster skin that seemed to glow with an otherworldly radiance.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon