Chapter XX: Oakenvale

139 15 0
                                    

Note: I've edited some of the previous chapters po kasama po 'yong last na kaa-update lang. It's worth reading po, mas klinaro ko po especially sa mga places and sa characters para po mas malinaw po kapag i-imagine ninyo po, hehe. Still po, meron pa rin po na visible na mga typographical errors and wrong grammars. I was planning to edit it again once I've completed the whole story.

I'm looking po pala sa gustong gumawa ng book cover for this story. If interested ka po, dm me on my gmail. Check my account po, nakalagay po iyon.

Enjoy reading!

••• ⚜️ •••

"I have a bad feeling about this." rinig kong bulong ni Morgan.

Pigil ang hininga ko habang marahang tinatahak ang daanan palabas ng dormitory. Si Penelope ang nangunguna sa amin,  samantala nakahawak sa laylayan ng aking damit si Morgan. Iniiwasan namin na makagawa ng anumang ingay kaya't buhat namin ang aming mga sapin pampaa habang naglalakad.

Mabuti na lamang at hindi sobrang dilim ng paligid. Malas lang namin dahil nakasarado ang pinto na mismong exit kapag lalabas ka ng dormitory. Good thing, may alam na spell si Morgan para doon. Inilabas niya ang kaniyang wand at ginamit iyon upang alisin ang lock.

"Anlockhio" mahinang bulong niya.

"Easy.." nakangising baling niya sa amin.

We're heading towards the abandoned library located near the basement of the castle. Kakaunti lamang ang bumibisita roon. Hindi naman iyon totally restricted area pero wala gaanong napapadpad doon dahil creepy raw ang lugar. Bukod sa makakapal na alikabok sa mga lumang shelves at libro, hinala na may naglalabas daw na multo roon.

Kung mahuhuli man kami, ang magiging kasalanan namin ay ang paglabag sa curfew. Tiyak na detention ang abot namin kung nangyari 'yon. Suplahi na mangyari, tss.

Hinala nina Alistair, baka mayroon daw kaming matagpuang mahalagang impormasyon sa dating library. Wala kaming ideya kung saan magsisimula at hindi rin klaro kung ano ba ang hinahanap namin pero maigi na ang kumilos kaysa magpakakampante lamang.

Ang usapan ay bukas na kami magtutungo rito, pero dahil sa kagustuhan kong ngayon na dahil nangangati na rin ako sa paghanap ng impormasyon, kaya narito kami ngayon. Ako lamang dapat ang tutungo pero nagpumilit iyong dalawa na sumama.

Napailing na lang ako habang inaalala kung paano nila ako ginulo para lamang hayaan ko silang sumunod sa akin.

Napahinto kami ni Penelope dahil sa biglaang pagtigil ni Morgan. Tinapunan siya ni Penny ng nagtatakang tingin at tinanong kung ano ang meron samantala sinundan ko ng mata ang kaniyang pinagmamasdan. Nanliit ang aking mga mata habang tinatanaw ang pigura ng mistulang isang pusa na nakaharang sa daanan may kalayuan ang pagitan sa amin.

"Sh*t, it's Mr. Yvo's cat." gulantang na ani niya at hinigit kami palayo.

"You mean, the caretaker?" linaw ko at tumango siya.

Lumihis kami ng way at dumaretso paakyat ng hagdanan. Umimpit kami ng sigaw sa biglaang paggalaw nito. Tf!

"It's changing direction." sinabi pa ni Morgan kahit na obvious namang alam na namin iyon dahil nakikita rin namin ito.

It's heading towards the next floor. Mahilo-hilo kami habang umaalis sa hagdanan. Muntikan pa kaming matalakid dahil sa pagmamadali. Ayaw na naming maabutan ang paggalaw niyon. Pakiramdam ko ay sumakay ako sa isa sa mga rides sa perya which is ayaw na ayaw kong gawin ever since.

Isang bakante at daretsong hallway lamang ang sumalubong sa amin. Sa pinakangdulo ay nakatayo ang nag-iisang pintuan para sa palapag na ito. May kadiliman ang bahaging ito ng kastilyo dahil tig-isang fire pot lamang sa magkabilang bahagi ng pader ang nakasabit.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon