Um, ey! It's me again, amawreyy. To @aesfu, mention lang po kita, ang ganda mo po vebs. Belated happy bday rin daii. Bhie, kamusta ang rank natin sa ml?
Enjoy reading po sa inyong lahat. :)
••• ⚜️ •••
"Ravenwood, Serafina Lucy H."
Kaagad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo nang tawagin na ang aking pangalan. May katagalan na rin ang aking paghihintay dahil alphabetical order ang pagkakasunod-sunod namin. Sa kabuuan, 200 ang total na bilang ng mga first years na papasok. Mas marami raw ito kumpara noong mga nakaraang taon.
Kumatok ako muna bago pinihit ang doorknob para buksan ang pintuan. Nakita ko ang isang babae na nasa around 50's na naka-upo sa pinakang sentro ng silid. Marahan akong lumakad papunta sa direksyon niya at huminto nang makarating sa harapan. Nakalagay sa desk niya ang isang name plate kung saan nakasulat ang pangalan at posisyon nito.
Sybille Eberdoney
Head Admission Officer"Well, sit down."
Umupo ako sa seat na nasa harapang kaniyang itinuro. Masakit sa mata na tingnan siya dahil sa kulay ng kaniyang pananamit. Hindi naman halata na pink ang kaniyang paboritong kulay, mula sa suot niyang sombrero hanggang sa sapatos, pati na rin itong buong admission office ay iyon ang kulay. Ano na lamang ang dating sa pakiramdam nito ng mga kagaya ko na dark color lamang ang gusto?
I find her smile, no, her whole appearance annoying. Ito 'yong sinasabi ata na nasa loob ang kulo. Halata na kinikilatis niya ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin, at hindi ko iyon gusto. Perhaps, this old hag isn't aware that staring is rude.
"Let's start, shall we? So, you're name is Serafina Ravenwood, hm." sabi niya at tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Never heard that before, perhaps, you've come from, I don't know, low class family?" bulong niya pero halatang nais niyang iparinig sa akin.
"I beg your pardon?" may kataasan ang boses na sabi ko sa kaniya
"It's nothing dear, nothing at all." nakangiting sabi niya habang ang paningin ay nasa mga papel na hawak niya; which is mga documents ko.
"Allow me to provide you with some comprehensive details. You were born on the sixth day of July, the beloved daughter of Mr. and Mrs. Robertson, as well as Suzune Ravenwood. Your blood type is O, and at the time of this record, you measured approximately 165 centimeters in height and weighed 43 kilograms. It is intriguing to note that you have spent the majority of your life in the outside world, a realm of boundless fascination and discovery." sinusuklian ko na lamang ng tango ang kaniyang mga sinasabi. I can't wait na matapos ito.
"Such a wonderful time to have a conversation with you, Ms. Ravenwood. Now, let's get to real business."
Kinuha niya ang isang makapal na lumang libro na nakalagay sa gilid at inilahad iyon sa aking harapan. Taka ko iyong pinasadahan ng tingin dahil wala namang nakasulat na kahit ano roon. Nakangiti niya iyong iniabot sa akin, nag-aalangan man ay tinanggap ko iyon. Nothing unusual happened at first, pero hindi ko inaasahan ang biglaang pagliwanag ng hawak-hawak kong libro. Sa mga blankong pahina nito ay unti-unting lumilitaw ang mga sulat kaya naman kaagad ko iyong binasa.
The moment's arrived,
For your quest to find,
Where your heart resides,
In the tapestry of your mind.
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...