Chapter XVIII: Encounter with the Headmaster

130 14 0
                                    

That voice, I can't be mistaken. That's from her. Lumingon ako sa aking likuran para kumpirmahin ang hinala ko subalit wala na siya roon. Inilinga ko ang aking paningin sa aking paligid pero hindi ko na siya makitang muli.

"Excuse me, I'm sorry. Makikiraan lang." sabi ko at sumiksik para lamang mahanap siya.

"Ano ba?! Watch where you're going!" naiiritang sabi noong babae dahil naapakan ko ang paa niya.

"Sorry" hindi sinserong ani ko.

Para akong sira na paikot-ikot, nagbabaka-sakaling makakasalubong ko muli ang babae kanina. Asaan na ba kasi nagpunta 'yon? Imposible na maglaho siya nang basta-basta lamang. I'm pretty sure na naririto pa siya at hindi pa tuluyang nakalalayo.

Ito na ang pagkakataon ko, pangatlong beses na at hindi ko na dapat palagpasin ito dahil hindi walang kasiguruhan kung muling magtatagpo ang landas namin.

And what's with the warning? Kanina pa ako sinasabihan na mag-ingat. Kanino at saan naman kaya ang tinutukoy nila? May masama ba na mangyayari sa akin?

Pero sa halip na matakot ng dahil doon, mas ikinapapangamba ko kung papano nakapasok sa kastilyo ang babaeng 'yon. Mukhang sinamantala niya ang party na ito para maitago ang totoo niyang katauhan. May binabalak kaya siyang masama? Kung mayroon man, baka mapahamak ang mga estudyante na kasama ko.

Kung aatake siya, hindi siya tanga para gawin iyon mag-isa. Malamang ay may kasama siya. F*ck! Ayaw ko na maulit ang nangyari noon. Baka masaktan pati na ang mga kaibigan ko. Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng iniisip ko.

Curse you Pakunada Freecs!

"Stop!" sigaw ko sa kabila ng napakaingay na musika.

Nakita ko ang pigura niya na naglalakad papalabas ng great hall. Mabilis ko siyang sinundan at hinabol. Wala na akong pakialam kung mayroon man ako na matabig dahil ang atensyon ko ay nasa kaniya. Nakakuyom ang aking mga kamay habang tumatakbo sa corridor. Inilabas ko ang aking wand at nagbato ng spell sa kaniya.

"Petrifiticus Totalius!"

Bale wala lamang iyon dahil walang kahirap-hirap niyang na-deflect iyon. Ngayon ay hiniling ko na sana mayroon ako ng ability na kagaya ni Ehann. Kung mas makakakilos ako ng 'sing bilis ng kidlat, malamang hindi ako mahihirapan na habulin siya.

"Catch me if you can!" sabi niya at humalakhak.

Asar!

Wala akong ideya kung saan siya pupunta. Wala na akong pakialam kung isa itong trap. So what kung ikamamatay ko pala ang paghabol sa kaniya, lahat naman tayo ganoon ang magiging kapalaran. Mas mapapaaga lang 'yong akin kung mangyari nga 'yon.

Hindi ko na nakikita sa aking paningin miski ang anino ni Pakunada pero mayroong akong naririnig na mga yabag ng paa na pababa ng hagdanan.

"Damn it! Ouch!"

Namilipit ako sa sakit dahil sa hindi sinasadya na pagkamali ng aking lakad. Natisod ako sa bato na nakaharang sa daanan ko. Dahil wala ang paningin ko roon ay hindi ko iyon agad napansin. Hindi ko maigalaw ng maayos ang aking kaliwang paa dahil na-sprain ito. Nahihirapan ako na makatayo at saka pinagpatuloy ang paghabol sa kaniya.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon