"Am I dreaming? This is just a nightmare, right?" rinig kong bulong ni Penelope mula sa aking tabi.
Nasa itaas sina Ehann, Oliver, at Alistair, samantala naiwan kami kasama ang mayordoma dito sa living room. Ipinaghanda niya kami ng tea na maiinom. Hinawakan ko ang tray na kaniyang bitbit at ako na ang naglagay niyon sa lamesa dahil nanginginig ang kaniyang mga kamay. Tumawag na rin ang driver na si Mr. Texas sa hotline 119, Witherbury Police Department. Iniintay na lamang namin sila na dumating.
I decided na lumabas para magpahangin. Masu-suffocate na ako sa atmosphere sa loob. Malapit na mag-10 pm, at malakas din ang ulan magmula kanina. Magkakalahating oras pa lamang mula nang makarating kami dito.
Nang umakyat ako sa itaas, nakakikilabot na itsura ni Mrs. Lindsay ang aking nasaksihan. Brutal ang pagkakapatay sa kaniya. Napakaraming saksak sa kaniyang dibdib, leeg, ulo, at sa iba pang parte ng katawan. Halos masuka kami ng makita ang senaryong iyon kaya naman napagpasyahan na manatili na lamang kami sa sala.
Dumating ang mga mistulang pulis at sinalubong sila ng asawa ni Mrs. Lindsay na si Mr. Jackson. Pumasok ako sa mansyon at sinundan ang mga wizard officers. Iyon ang tawag nila sa mga pulis; sa katunayan ay mayroon din na detective silang kasama. Ang kanilang mga kasuotan lamang ang naiiba sa mga pulis na aking nakikita. Mukha silang mga kawal, sa totoo lang.
Umakyat sila sa ikatlong palapag kung nasaan ang kwarto ng biktima. Doon siya natagpuang wala ng buhay ng maid.
Ang pangalan ng biktima ay si Lindsay Dawson, ang tiyahin ni Ehann. Naging sanhi ng kaniyang kamatayan base sa naging imbestigasyon ay ang ilang beses na pagkakasaksak sa kaniya. Malala ang tama ng karamihan sa mga sensitibong organ niya at marami ang nawalang dugo sa kaniya. Napag-alaman din na tatlong katao ang huling nakasama ng biktima. Ang kaniyang asawa, ang mayordoma, at ang butler. Sila-sila rin ang magiging suspect sa nangyaring krimen.
Tulala pa rin hanggang sa ngayon ang asawa ni Mrs. Lindsay. Mukhang hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kaniyang mahal na asawa. Kasama niya ngayon sina Ehann, pinagagaan ni Oliver ang loob niya sa pagsasabi na magiging maayos din ang lahat.
"Malalaman at pagbabayarin po natin ang gumawa nito kay Auntie Lindsay." sabi ni Oliver habang tinatapik-tapik ang balikat niya.
Sinundan ko ng tingin ang butler na si Forsythe. Mukhang balisa siya at hindi mapakali habang naglalakad patungo sa kusina. Nagkataon na lahat ng mga tauhan ng mansyon ay nasa leave at tanging si Forsythe, ang mayordomang si Eudora, ang driver na si Mr. Jonathan, at ang mag-asawang Dawson ang naiwan dito.
Inalalayan nina Alistair patungo sa upuan ang ika-ikang si Mr. Dawson. Inabutan ko siya ng tubig na maiinom. Nakita ko na umakyat paitaas si Ehann kaya naman wala sa sarili ko siyang sinundan. Hindi ako nabigla nang bumalik siya sa kwarto ng kaniyang aunt. Walang pagbabago sa kaniyang ekspreyon at hindi ko mabasa ang kaniyang iniisip.
Siguro kung nasa dati akong mundo, malamang ay hindi kami papayagan na makalapit sa bangkay o miski makapasok dito. Mahirap siguro na magsolve ng case dahil wala silang mga devices na magagamit. Hindi nila mai-track kung mayroon bang mga naiwan na fingerprints man lamang.
Nasa kama ang biktima nang pinatay ito. Nakabukas ang kaniyang mga mata pati ang kaniyang bibig. Para bang bumabakas ang pagkagulat sa kaniyang ekspreyon. Ang dugo ni Mrs. Lindsay ay kumalat sa maputing bedsheet na nakalatag sa kama.
Naglakad-lakad ako paikot, mayroong balcony sa kwarto at nakabukas iyon. Mayroon pang basa roon dahil sa ampiyas ng ulan. Lumakad ako at sinilip ang ibabang bahagi. Mataas ito, at delikado kung mahuhulog ka mula rito. Bagaman, mabuti na lamang at kahit papaano ay damuhan iyong babagsakan.
Umiihip ang malamig na simoy ng hangin at hindi ko maiwasan ang mapayakap sa aking sarili. Bumalik na ako sa loob at nilapitan ang tahimik na si Ehann.
"Hey, I'm sorry about what happened to you aunt." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...