"Serafina Ravenwood!"
Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ko ang dalawang kapwa ko estudyante na mukhang papalapit sa aking direksyon.
Bumakas lalo ang pagtataka sa aking mukha ng mapagtanto na isa sa mga ito ay parte ng CSC (Central Student Council). Hindi lang ako sigurado sa pangalan at position niya. The other guy, kung hindi ako nagkakamali ay member ito nang football team ng school.
"I am Alistair Grainger, CSC Vice President of the Senior High School department." pagpapakilala niya at inilahad ang kaniyang palad nang huminto siya sa harapan ko.
"Jordane Black nga pala." sabi naman ng kasamahan niya. Kapwa ko tinanggap ang pareho nilang palad.
"Ano ang kailangan ninyo?" tanong ko.
"Ah, wala naman. Pinapasabi lang ni Morgan na sayo niya raw i-a-assign ang mga ito." inabot ni Alistair sa akin ang isang folder. Nang buklatin ko iyon, may mga student profile na naroroon.
"Anong gagawin ko rito?"
"Iyan raw ang gagawan mo ng mga article. She also said to interview those students on the list."
"Bakit hindi siya ang nagsabi nito sa akin?"
Edi sana, nakatanggi pa ako! Tambak pa ang mga articles na gagawin. I have a lot to finish on my plates already.
"She can't come to school today, she's sick." kalmadong sagot ni Alistair.
"Oh, is she okay? How did you know that?"
"Um,.. it's because..." hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
"Galing siya kila Morgan kagab-" agad na tinakpan ni Alistair ang bibig ng kasama at sinamaan ng tingin.
"I'm her boyfriend." sagot ni Alistair. Hindi pa ako nakakapag-react ng umalis na sila sa harapan ko.
Wait, what? BOYFRIEND!
Bagsak ang balikat ko habang naglalakad pabalik sa office namin. Kagagaling ko lamang dito para magpasa ng ginawa kong apat na article para sa dyaryo ng school.
Aish! Kung alam ko lang na nakakapagod pala ang pagiging isang campus journalist, hindi na sana ako pumayag na sumali rito nang pilitin ako ni Morgan.
Lalong nagsalubong ang aking kilay ng bumungad sa akin ang pagmumukha ni Oliver pagkapasok ko ng office. Sitting pretty pa ang kumag sa couch. If I know, nagpapalamig lamang ang mokong na 'to.
"Hi Seraph, long time no see. Almost ano na nga nong huli tayong nagkita? Almost 5 minutes." at humagalpak ng tawa ang siraulong Oliver na iyon.
Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya.
"Sadista ka talaga!" reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya.
Pumunta ako sa desk ko para kunin ang notebook. Isinabit ko sa ID ko ang g-tech kong ballpen. I also apply sunscreen dahil panigurado na maiinitan ako. Nang macheck ko na okay na ang lahat ng gagamitin ko para sa pag-interview, bumalik ako kay Oliver.
"Sumama ka sa akin." utos ko.
"At saan tayo pupunta, aber?" tamad nitong tanong.
"Kailangan kita for documentation. Ikaw ang magrerecord ng whole interview." sagot ko.
"Excuse you, photojournalist ako. Tsaka kaya mo na 'yon mag-isa." at inirapan pa ako ng kumag.
"Sasama ka o aalisin kita sa grupo sa research. Pumili ka."
"Hoy! Walang ganyanan, Seraph." muntikan pa siyang malaglag mula sa kaniyang pagkakaupo.
"Bahala ka, mag-defense ka mag-isa mo." iritableng sabi ko at padabog na lumakad palabas. Kahit kailan, wala kang silbi Caleb Oliver!
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...