Chapter VI: Welcome

287 16 0
                                    

"Ang mga gamit ninyo, nailagay na ba ninyo? Baka may nakalimutan pa kayo, i-check ninyong mabuti." sabi sa amin ni Francois.

Ngayon ang simula ng first term. Maaga pa lamang ay ginising na kami ni Francois dahil baka maiwanan kami ng tren. Eksaktong alas-diyes ng umaga ay aalis na iyon. Si Francois na ang nag-intindi ng aming mga tickets. Sasamahan din niya kami hanggang sa estasyon.

Medyo inaantok pa ako dahil hindi ako maayos na nakatulog kagabi. Siguradong bakat sa mga mata ko ang puyat. Di bale, babawi na lamang ako ng tulog sa biyahe.

Ilang sandali at dumating na si Mr. Frodo. Tinulungan niya kaming ilagay ang aming mga bitbit sa hackney coach. Sandali kong hinawakan ang mga kabayo, ang isa ay kulay puti at ang kasamahan niya ay kulay itim. Sumakay rin akong agad nang tawagin ako ni Ate Charlotte.

Hindi kagaya noong una kong nakasakay rito, mas mabilis ang takbo ngayon ng hackney coach. Malamang ay mas maaga pa kaysa sa aking inaasahan ang oras na makararating kami sa estasyon. Sa Nimbus Station din ang aming pupuntahan ulit. Naroroon kasi ang tren na magdadala sa amin patungong Hurnorth.

Mag-aalas-nueba nang makarating kami sa estasyon. Binayaran ni Francois si Mr. Frodo at pagkatapos ay nauna siyang maglakad para ituro kung saan ang daan. Maraming tao rito, ang iba ay nasasagi ko na kaya kaagad akong humihingi ng paumanhin. Mabilis ang aking paglakad para hindi mawala ang aking paningin kay Francois sa gitna ng napakaraming tao.

Sa palagay ko ay mga estudyante rin ang mga kaedad ko at iba pang mukhang teenagers na nakikita ko. Kasama rin nila ang kanilang mga magulang. Mayroong ilan na halos buong pamilya na ang naghahatid. Sinama pa nila iyong kanilang alaga, katulad niyong nasa likuran namin.

Tumingin ako sa lalaki na mukhang 16 years old lamang rin. Namumula ang kaniyang tainga dahil parang nahihiya siya sa asta ng kaniyang magulang. Wala naman talagang nakakahiya dahil inaayos lamang ng kaniyang, if I'm not mistaken, nanay niya iyon, ang kaniyang buhok. Mayroon din silang kasamang batang lalaki na nasa edad 4. Nakahawak siya sa aso nilang mas matangkad pa sa kaniya.

The boy I encountered was a striking figure, tall and full of youthful energy. His chestnut hair, unruly and windswept, framed his face in a way that hinted at a carefree, playful nature. His eyes sparkled with mischievous delight, reflecting a zest for life that was evident in his every movement.

He had an athletic build, and his stature gave him an air of confidence and ease. Every step he took seemed to be accompanied by a subtle, playful bounce, as if he was always ready for the next adventure. His laughter was infectious, and his smile radiated warmth, inviting everyone around him to join in the fun.

"Ma, ang daming tao." mahinang bulong, pero naririnig ko pa rin, nito sa nanay niya.

"Shush Oliver, kinahihiya mo ba ako." nanlalaking mata na sabi ng mama niya.

"Sumakay na kayo, baka mawalan pa kayo ng mauupuan." sabi ni Francois sa amin na kumuha sa atensyon ko. Ngumiti si Ate Charlotte sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.

"Good bye auntie, susulat ako linggo-linggo. Mag-iingat ka habang wala ako." sabi ni Ate Charlotte sa kaniya.

"Aasahan ko 'yan. Huwag kayong gagawa ng kalokohan. Lady Seraph, huwag ninyong papabayaan ang sarili ninyo." sabi ni Francois.

"Drop the lady, just call me Seraph." nakangiting sabi ko sa kaniya.

Sumakay na kami sa loob ng tren dahil dumarami na lalo ang mga tao. Naghanap kami ng bakanteng upuan at doon umupo. Sumilip ako sa bintana at naroroon pa rin si Francois. Mukhang iintayin niya na makaalis ang tren bago siya tuluyang umuwi. Kumaway ako sa kaniya at ngiti ang kaniyang isinukli.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon