7:00-8:00: History of Magic
(Professor: Bathilda Tudor)I stuck the badge on the blazer of my uniform, then I put on the green hooded cloak. Underneath the blazer is a white long sleeve with a neck tie. I was wearing a black skirt that was above the knee length and stockings. I picked up my books and my wand to leave my room. Fifteen minutes left and the first period will begin.
Pagkalabas ko ng dormitory, marami akong estudyante na nakasalubong sa daan. Halos lahat kami ay isang direksyon lamang ang pupuntahan, iyon ay patungo sa kastilyo. Nang makarating ako sa mismong tapat niyon, mayroong malaking fountain sa gitna nito at sementadong kalsada papasok.
Magkakapareho lamang ang disenyo ng aming mga uniform, nagkakaiba-iba lamang sa kulay ng mga suot na cloak. Berde ang kulay na sumisimbolo sa Amberoid, maroon ang sa Burmite, at blue para sa Olivine. Marami akong nakakasalubong na mga Coven at Secular witches and wizards habang naglalakad, pero mula nang makalabas ako ng dormitory, malimit na ang bilang ng mga nakikita kong Halyn.
Mukhang kakaunti nga lamang talaga ang mga ganitong kinds of witches and wizards kagaya ng sinabi ni Ate Charlotte. Speaking of her, hindi ko pa siya muling nakikita. Wala na kaming naging pag-uusap mula nang ihatid nila ako sa quarter namin. Masyadong malaki itong kastilyo kaya hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Sinundan ko ang map na aking dala-dala para hindi ako maligaw papunta sa aming classroom. Walang naka-assign na name ang mga section dito sa Hurnorth, mukhang hindi uso iyon dito. Nang makita ko na ang room na tinutukoy n'ong nasa mapa, huminto ako sa harapan ng pintuan niyon. Nag-aalangan akong pumasok dahil hindi ako sigurado kung ito nga 'yon. Ayaw ko na mapahiya sa first day!
Nang hawakan ko ang doorknob niyon para buksan, mayroon ding nagbukas niyon sa loob. Pareho kaming nagulat sa nangyari, pero unang naka-recover iyong babae na mukhang papalabas ng classroom. Ngumiti siya sa akin dahilan para maningkit lalo ang kaniyang mga mata. Kapareho ng suot niyang uniform ang sa akin, seems like Halyn witch din siya.
"Hello, first year ka rin ba?" tanong nito sa akin at tumango ako bilang pagsagot.
"Isang class lamang ang mga Halyn witch and wizard, hindi katulad sa ibang family. Mukhang kaklase kita, pasok ka." anyaya niya sa akin.
Sumunod ako sa kaniya papasok. Nang tingnan ko ay apat pa lamang kaming estudyante na naririto. Mayroon akong kasama na dalawang babae, iyong isa kanina na nakasalubong ko sa pintuan at iyong isang red hair na nasa unahan. Isa lamang ang nakikita kong lalaki na naririto, nakatingin siya sa labas ng bintana. Pinili ko na umupo sa hulihan, ayaw ko na laging nakikita ng guro. Pero dahil sa unti namin, mukhang imposible ang gusto ko.
Eksaktong alas-7 ay pumasok ang isang matandang babae, mukhang iyon na ang professor. Sandali niyang hinawakan ang kaniyang suot na salamin at saka kami tiningnan isa-isa. Mukhang istrikto ang isang ito, sa tindig pa lamang niya at sa paraan ng kaniyang pagtitig sa amin. Dahil nakatuon ang aking buong atensyon sa kaniya, hindi ko nakita kaagad kung saan nanggaling ang itim na pusang tumalon patungo sa kaniya.
"Where are the other two? There are supposed to be six students in this class." tanong niya. Wala sa amin ang nakasagot dahil mukhang pare-pareho kaming walang ideya.
"Very well, let's not look for those who are missing. I don't see the need for me to introduce myself since it's already written on the schedule that we have given to you. At this moment, I want you to go in front and state your name and a simple background regarding your family. You go first, young lady."
Marahang tumayo at lumakad patungo sa unahan iyong babae na itinuro ni Professor Tudor. Binigyan niya kami ng isang matamis na ngiti bago sinimulan ang pagpapakilala.
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...