"Swswswsw"
Nakailang ikot na ako sa buong bahay sa paghahanap kay Griffin, pusa ni Ate Charlotte. Napag-usapan namin na pumunta sa bayan ngayong araw para mamili. Daraan din si ate Charlotte sa pet hospital para dalhin si Griffin doon. Nasa loob iyong dalawa, naghahanda ng aming makakain bago kami umalis. Nagsuhestiya ako na hanapin iyong pusa dahil wala naman akong ginagawa.
Napakamot ako ng ulo habang naghahanap. Sigurado ba si ate na hindi umaalis ng bahay ang alaga niyang iyon. Sa pagkakaalam ko, laog ang mga pusa at kung saan-saan nagpupupunta. Malay ko ba, mamaya andoon na pala iyon sa kapitbahay at nangunguha na ng pagkain sa kusina.
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa makapal na bush. Lumakad ako papalapit do'n ng hindi gumagawa ng ingay. Maingat kong hinawi ang makakapal na dahon para silipin kung ano ang nasa loob dahil baka si Griffin iyon. Akala ko ay isang ordinaryong gnome statue lamang ang nakatago roon. Tumalon ako sa gulat ng umikot ang ulo nito at tumingin sa akin. Napatakip ako ng tainga dahil sa matinis na sigaw niyon.
"Sino ka?! Umalis ka rito! Hindi kita kilala!" sigaw ng nilalang. Dumampot iyon ng mga putik at ibinato sa direksyon ko.
"Stop! What are you doing?!" sabi ko habang iniiwasan ang kaniyang binabato.
Nasa 12 inches ang taas nito at nakasuot ng red phyrgian cap, brown long sleeve na pinatungan ng denim jeans. Mayroon din siyang puting balbas, at reddish tan ang kulay ng pangangatawan. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit nito at itinaas siya sa ere. Mabigat ito at gawa sa clay, sigurado na kapag binitawan ko ay mababasag ang buong katawan niya.
"Bitawan mo ako!" nagpupumiglas na sabi ng nilalang.
"Sige lang, huwag kang tumigil. Pupulutin kang basag kapag hindi ko naayos ang hawak ko sayo." banta ko. Sinamaan niya ako ng tingin at krinus ang kaniyang braso.
"What are you?" tanong ko sa kaniya.
"Garden gnomes, halata naman." umiirap na sagot niya sa akin.
"Do you live here? You look old."
"Bastos! Oo, dito ako nakatira!"
"May mga kasama ka ba?"
"Bakit ba napakarami mong tanong?!" iritang sabi nito sa akin.
"Bakit hindi mo na lang sagutin?" sabi ko pabalik.
"Seraph.."
Naputol ang pakikipag-usap ko sa gnome ng marinig ko ang tawag ni Ate Charlotte mula sa aking likuran. Ibinaba ko ang nilalang na kausap ko at nilingon siya. Hindi pinalagpas n'ong gnome ang pagkakataon at sinipa ako sa binti saka tumakbo papalayo. Pinagpagan ko ang dumi na napunta roon at saka pinagtuunan ng pansin muli si Ate Charlotte na kasalukuyang may karga-kargang pusa. Mukhang si Griffin iyon na kanina ko pa hinahanap.
"Sorry about that. Hindi talaga friendly si Fletcher." sabi niya sa akin.
"Anong ginagawa niya rito?" tanong ko.
"Nangangalaga ng mga halaman dito sa garden, kasamahan niya ang mga fairy. Magpalit ka na ng damit, aalis na tayo." nakangiting sabi ni Ate Charlotte.
Tumango ako at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Francois na may bitbit na mga basket. Umakyat ako sa kwarto para isuot ang kirtle dress na ipinahiram sa akin ni Ate Charlotte. Pinatungan ko iyon ng isang hooded cloak at isinuot ang pares ng sandals. Bumaba ako at nagtungo kina Francois na nasa kusina.
"Sasakay ba ulit tayo sa hackney coach paputang bayan?" tanong ko.
"No, ito ang gagamitin natin." sabi ni Ate Charlotte at ipinakita sa akin ang tasa na naglalaman ng wari mo'y puting pulbos.
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...