Chapter XV: The Culprit

148 16 0
                                    

"You are under arrest for killing Mrs. Lindsay Dawson, Forsythe Gallagher."

Hindi na nakagalaw sa kaniyang kinauupuan ang butler sa sinabi ng mga officers. Mapagkakamalan na siya na wari mo'y na-estatwa kung hindi lamang may mga lumalandas na luha sa kaniyang mga mata. Nabigla ako nang lumuhod siya para magmakaawa.

"H-hindi ako ang m-may k-kasalanan. M-maniwala kayo sa a-akin. W-wala akong p-pinatay na t-tao. Hindi k-ko iyon kayang g-gawin." umiiyak niyang sabi.

Hahawakan na sana siya ng mga wizard officers para dakipin nang humarang si Penelope sa harapan niya. We were all shocked. Miski ang butler ay hindi inaasahan na poprotektahan siya ng isang bata na hindi man lamang siya kakilala.

"He didn't do it, he's not lying. I know it!" sigaw ni Penelope.

"Penny, what are you doing?" nag-aalangan tanong ni Morgan.

"I believe in him. He's not the murderer we are looking for." sagot ni Penelope sa kaniya.

I found myself protecting the old man too. Wala man akong kakayahan na maramdaman ang tunay na nasa loob ng isang tao, katulad ng ability ni Penelope, pero sa tingin ko ay walang kasalanan ang butler na ito. Kahit mukhang siya ang itinuturo, sa palagay ko ay parang mayroong mali rito. I just can't figure it out what it is.

Nakita ko na napatampal na lamang si Oliver sa kaniyang noo dahil sa ginagawa naming dalawa. Natakot ako nang itutok ng mga wizard officers ang kanilang wand sa aming harapan. Hindi naman siguro sila nasisiraan ng bait para saktan kami?

Pwersahan kaming hinila papalayo. Ramdam ko ang sakit sa aking braso dahil sa higpit ng hawak. Damn! Madaling lumapit sa amin sina Oliver at Morgan at hinatak palayo ang mga pulis.

"Ano bang ginagawa ninyo?! Balak ninyo ba na balian sila ng braso!" galit na sabi ni Oliver. Inalalayan niya si Penelope patayo, at inalalayan naman ako ni Morgan.

"Huwag kayong makialam na mga bata kayo. Kung ayaw ninyo na madamay, itigil ninyo ang pakikisawsaw." ma-awtoridad na sabi ng isa sa kanila.

Bago pa muling magkagulo, dumating sina Ehann at Alistair. Saan kaya nanggaling ang dalawang ito? Nang kanila kaming tingnan, mukhang inaalam nila kung ano ang nangyari matapos nilang umalis.

"You guys okay?" tanong ni Alistair sa amin.

"N-n, yeah."

Inalalayan namin si Mr. Forsythe na umupong muli sa couch. Nanatiling tahimik ang dalawa niyang kasama. Nang lingunin ko ang asawa ni Mrs. Lindsay, hindi ko inaasahan na nakatingin din siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil mukhang kanina pa nasa akin ang kaniyang paningin. What's up with this old man?

Hindi ko na lamang siya pinansin. Pinaliwanag kina Ehann at Alistair ang kinalabasan ng kanilang imbestigasyon ng mga pulis. Wala man lamang naging reaksyon ang dalawa ng sabihin kung sino ang pinaghihinalaan nila na kriminal. Nagkatinginan lamang sila na para bang nagpapalitan ng mga salita sa pamamagitan niyon.

"Pardon me, but those were all nonsense." malamig na sabi ni Ehann na mukhang hindi nagustuhan ng mga ito.

"Kung ganoon, sino ang may sala?" hamon ng isa sa mga officer sa kanila

"Planado ang pagpatay kay Aunt Lindsay, sinadya ng pumatay sa kaniya na isagawa ang krimen sa mga araw na ito. Dahil bilang lamang ang mga naririto ngayon sa mansyon, magiging madali na lamang para sa kaniya ang pagsasagawa nito. Doon pa lamang sa sabay-sabay na pagbabakasyon ng mga tauhan ay kahina-hinala na." sabi ni Ehann

"Pinili ng suspect na isagawa ang kaniyang plano sa araw na ito dahil eksaktong mayroong sakit ang biktima. Mas magiging madali dahil wala sa kondisyon ito. Pero, mukhang mayroon ng ideya si Aunt Lindsay sa maaaring maganap. Bukod pa rito, alam niya na ang maaring maiwan lamang rito kasama niya ay ang matandang driver at ang mayordoma. Nababagabag siya dahil wala sa mga iyon ang kaya siyang protektahan sa oras na may mangyaring masama sa kaniya, kaya nagpasiya siya na huwag paalisin ang butler." dagdag niya.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon