"Argh! A na 'yong sagot ko, ginawa ko pang D!"
Kahapon pa nagmamaktol si Penelope sa kaniyang answer sa dumaang examination. Mukhang sigurado siya sa kaniyang mga sagot dahil isang item lamang ang kaniyang inirereklamo.
"Tapos na Penny, tama na." sabi ni Morgan sa kaniya.
"Paabot naman n'ong ketchup." suyo ni Oliver. Dahil ako ang pinakamalapit, ako na ang gumawa niyon.
Sabay-sabay kami na kumakain ngayon sa dining hall. Kasabay namin ang mga boys dahil coincidence na pareho kami ng oras dumating dito. Higit na mas marami ang iniluto ngayon na pagkain kumpara sa araw-araw na inihahanda. Reward siguro sa mga estudyante dahil nakatapos na sa isang paghihirap.
Wala namang bayad ang mga ito, ganoon dito sa Hurnorth. Kasama na 'yon sa fee na ibinibigay tuwing enrollment. Hindi pupuwede rito na hulugan ang pagbabayad, dapat ay fully paid na. Kasama na ang sa dormitory, uniform, at kung ano-ano pa.
Masasabi na kadalasan sa mga nag-aaral dito ay nanggaling sa mayayamang pamilya.
Hindi lamang naman Hurnorth ang eskwelahan sa Witherbury. Mayroon pa na ibang pwedeng pasukan kapag hindi afford ng isang estudyante ang pambayad. Subalit ito ang eskwelahan na may pinakamagandang kalidad ng pagtuturo.
"May uuwian ba kayo ngayong bakasyon?" out of nowhere na tanong ni Morgan.
"Ako, meron. Dadalawin ko si Mon." sagot ni Oliver.
"Sino 'yon? 'Yong Mon." -si Morgan.
"Ang pinakamamahal ko." -Oliver.
"The f*uck! Nagkaroon ka na ng girlfriend?" gulat na sabi ni Penelope.
"Hey, careful with your words, please." -singit ni Alistair.
"Pusa ko 'yon. Pinagsasabi mo." paglilinaw ni Oliver.
"Tsk, bakit ba ako nag-expect. Obvious naman na walang papatol sa'yo." pang-aasar ni Penelope.
"Hoy! Napaka-gwapo ko kaya!"
"Stop, you two. Bakit ba ang hilig ninyong mag-away?" saway ni Morgan.
Napailing na lamang ako habang pinanonood sila. Napaisip ako kung uuwi ba ako kina Francois. Umigting ang pagkakahawak ko sa tinidor; hindi ko kailanman naisip na darating ang araw kung kailan mga magulang ko na ang dadalawin ko sa kani-kanilang mga puntod. Nakakainis dahil wala akong ideya kung nabigyan sila ng maayos na libingan.
Gabi-gabi ay dinadalaw pa rin ako ng masasamang panaginip. Hindi ako makatulog ng maayos dahil bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari. Nagsimula iyon lahat nang makita ko ang dalawang pares ng mga matang iyon. Kinakailangan ko pa na bumisita sa infirmary para humingi ng gamot. Mayroon silang ibinibigay sa akin na potion na makakatulong upang mag-alis ng mga bad dreams.
Matapos mag-dinner, nagpaalam ako na mauuna na sa aking room kahit ang totoo ay nagbabalak ako na lumabas muli ng dormitory. Palihim ako na magtutungo sa evergreen garden. May kalayuan ang distansya nito mula sa dorm at medyo delikado na dahil malapit ng dumilim.
Nang makarating doon, humiga ako sa ilalim ng malaking puno. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Nalalapit na ang winter season. Ang mga mayayabong na puno ay unti-unti nang nalalagasan ng mga dahon.
Sa malayo ay nakikita ko ang likurang bahagi ng napakataas na kastilyo. Nakakamangha dahil para lamang nasa isang malaking painting 'yon.
"Boo!"
Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa aking balikat. Nang tiningnan ko ay si Ehann pala 'yon. Isinuot niya ang kaniyang hoodie at itinago ang mukha roon. Mukhang ayaw niyang makita ko na tumatawa siya.
BINABASA MO ANG
Hurnorth: School of Witchcraft and Wizardry
FantasyMeet Serafina Lucy Ravenwood. She's an outcast among her classmates, but she's harboring a magical secret. In a world where magic awakens at sixteen, Serafina has just one month left before her powers manifest. As she navigates the realm of normalcy...