Chapter 7

8.7K 80 1
                                    

Maaliwalas ang kalangitan ngayong umaga. Ang sikat ng araw na hindi pa gaanong mahapdi sa balat. Naglalakad ako ngayon papasok sa una kong klase ngayong araw. Makikita ko nanamang muli si professor Vincent.

Buti at pede kong maiwan muna si lola sa hospital dahil may mga nurse naman na nag aalaga at nag babantay kay lola kaya naka pasok ako ngayong araw. Dalawang araw na palang nasa hospital si lola. Kinaumagahan matapos operahan si lola'y nagising na ito.

Hanggang ngayon pa rin hindi ko pa alam saan ako lilikum ng isang milyon para sa bayarin sa hospital. Hindi ko parin pala nasasabi ang halaga ng babayaran namin. Ayoko namang ma stress pa si lola at mag pumilit na umuwi para hindi na lumaki ang bill. Pinag iisipan ko na rin ang sinabi ni Shiela noong nakaraang araw na kausapin ang may ari ng Hospital.

Nang magising nga si lola'y napaiyak ito dahil nakuha ng mga magnanakaw ang iniipon naming pera. Pinakalma ko nalang ito at sinabeng mas importante ang buhay niya, dahil naka ligtas siya.

Pagpasok ko sa loob ng room kompleto na sila at nakaupo sa kaniya-kaniya nilang upuan, busy naman ang mga ito sa pag hawak ng kanilang cellphone, gayon din si Shiela na hindi man lang napansin ang pagdating ko. Tumingin lang ito sa akin ng naupo na ako sa tabi nito.

“Kamusta na ang lola mo?” tanong ni Shiela habang hawak-hawak parin ang cellphone nito. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Bakit parang ang tahimik anong meron? O sadyang busy lang talaga sa kani-kanilang mundo ang mga ito.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Shiela bago ako sumagot sa tanong nito.“ Okay na naman, medyo gumagaling na kaagad ang sugat ni lola.” ani ko at sinilip ang ginagawa nito sa cellphone niya. Agad niya naman itong inilayo sa akin. Napairap nalang ako sa hangin.

“Mabuti naman, how about sa ipambabayad niyo?” sa pagkakataong to tumingin na sa akin si Shiela na may pag aalala.

Napabuntong hininga nalang ako bago sumagot. “Balak ko sanang gawin yung sinabi mo noong nakaraang araw na kausapin ang may ari ng Hospital. Baka sakaling mapagbigyan kami ni lola na babaan ang babayaran namin.” saad ko at inayos ang buhok ko na magulo.

“Baka mabait naman yung may ari ng Hospital at pag bigyan kayo. Kung hindi papayag, tutulungan kita na papayagin. I'll try to convince my parents to help you, baka sakaling may magawa rin sila.”

“Nakakahiya naman sa parents mo yan wag na, ako na ang bahalang dumiskarte. Kayang-kaya ko to.” ani ko at nag fighting sign. Shiela mimic me. Natawa naman kami dahil sa pinag gagawa namin.

Huminga ako ng malalim bago ito ibuga ng marahan. Mamaya after ng klase sa Hospital ka agad ang tungo ko para kamustahin si lola at para subukan kong kausapin ang may ari ng Hospital saka ako papasok sa trabaho.

Maya-maya pa'y pumasok na sa loob ng classroom si Professor Vincent na may dala-dalang libro at ang laptop nito. Napaka gwapo talaga nito. Dahil naka suot ito ng salamin na bumagay sa kaniyang porma. Ang nga muka nito na walang emosyon ngunit nakaka attract parin kahit ganoon. Inilapag nito ang dala nitong libro at bumati sa amin. We greeted hin back.

Nag simula na ang klase. Tahimik ang boong room dahil sa tensyon ng aura ni Professor Vincent. Nakakatakot. Ngunit ang iba panaming kaklaseng babae ay kinikilig pa pag lumalapit sa kanila si Professor Vincent. Kasalukuyang nag susulat sa white board ito at ine explain ang isang bagay na hindi ko maintindihan dahil lumulutang ang utak ko.

Pagkaharap nito pagtapos magsulat sa white board ay eksaktong tumapat sa mga mata ko. Our eyes met and the sparkle in my tummy started to move. Napalunok ako ng kagatin nito ang pangibabang labi nito at binasa gamit ang dila nito. Feeling ko namumula ang pisngi ko dahil sa ginawa niyang iyon.

Pleasured By The Twin BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon