Malakas at malamig na hangin ang tumatama sa'king mukha habang nakatayo ako rito sa may balkonahe sa ikatlong palapag ng Mansion. Kitang-kita ang kagandahan ng lugar. Kasama ko naman ang iba pang mga kasambahay. Sina Ate Medina, Ate Krisha at aleng siling. Mga naglilinis ang mga ito sa may balkonahe. Nililinisan ng mga 'to ang mga sofa na naririto.
“Aling Siling tulungon kona po kayo!” sambit ko ng makitang bubuhatin ni Aling Siling ang sofa mag isa. Ang dalawa naman na busy sa pagwawalis. Nagpapahangin lang ako kanina dahil katatapos ko lang din na tumulong sa paglilinis.
“Ayy maraming salamat po Ma'am Cath.” nginitian ko naman si Aling Siling. Pinagtulungan naman namin buhatin ang sofa para malinisan namin ang ilalim ng sofa.
“Cath nalang po ang itawag niyo sa'kin, nakakailang po kasi kapag may tumatawag sa'kin ng Maam.” ani ko't napakamot sa sariling ulo.
“Pero Ma—”
“Cath po,” napangiti naman ako. Napakamot din naman ng ulo si Aling Siling saka nagpatuloy sa paglilinis. Gamit nito ang vacuum kaya madali lang nitong nalinisan ang ilalim ng sofa.
Nasa baba ang dalawang magkapatid, si Vincent na nagb-bungkal ng lupa sa may hardin para mag tanim ng mga gulay. Doon ko lang din nalaman na hilig pala ni Vincent ang pagtatanim.
Si Calvin naman na nasa kusina at gumagawa ng pancake at cookies. Hilig din pala nito ang pag b-bake ng kung ano-ano, hindi ko pa natitikman ang mga bake nito kaya excited akong matikman na'to.
Binalik na namin ulit ni Aling siling ang sofa sa rating position nito saka. Lumapit ako sa may flower vase para ayusin ang mga bulaklak na naroroon.
Ramdam konaman ang paglapit ng kung sino sa'king tabi akala ko naman ay si Calvin o si Vincent ang lumapit ngunit paglingon ko si Ate Medina lang pala. “Anong bulaklak ito? Ang ganda!” saad ko pagtapos ayusin ang bulaklak saka tumayo.
“Camellia po ang mga 'yan.” sagot ni Ate Medina na nakangiti sa'kin.
“Ang ganda niyang pagmasdan.” sambit ko na nakatingin sa bulaklak, kulay pink ang mga petals nito, dumako naman ang tingin ko kay Ate Medina.
“Ate Krisha, ilang taon na po kayo?” nagulat naman ako kay Krisha na biglang lumitaw sa likiruran ko. Sa itsura ni Krisha ay halatang mas bata pa talaga ito sa'kin ng isang o dalawang taon.
“twenty years old na po ako.” Sagot ko sa tanong ni Krisha. “Ikaw ilang taon kana? Parang ang bata mo pa kasi?” balik na tanong ko kay Krisha.
“ eighteen years old palang po ako.” magalang na sagot nito. Dalawang taon pala ang tanda ko rito. Napangiti naman ako sa sagot nito.
“Talaga! Ang bata mo pa pala. Bakit 'di ka nag a-aral? At naririto ka sa Canada para mag trabaho?” takang tanong ko dahil sa mga ganitong edad ay dapat ay nag aaral na pa siya.
“Hindi po uso sa pamilya namin sa probinsya ang pag-aaral, ang mahalaga po sa'min ay ang makakuha ng pera at matugunan ang pangagailangan sa araw-araw ngunit 'di parin sapat ang kinikita ng mga magulang ko lalo na't inagaw ng mga taga munisipyo ang aming mga lupang pinaghahanapbuhay. ” k'wento ni Krisha na kinaawaan ko naman. Halata sa boses nito ang kalungkutan. Marahan ko naman na tinapik ang kaniyang balikat.
“Pa'no ka naman nakarating dito sa canada?” nakahawak parin ang kamay ko sa kaniyang balikat. Mag kasing tangkad lang kami ni Krisha kahit mas matanda ako sa kaniya ng dalawang taon.
“Sumama po ako kay Aunti, Idel para mag trabaho rito. Kulang daw po kasi ng isang kasama si Aunti Idel kaya napagpasiyahan kong sumama sa kaniya para makatulong sa'king pamilya.” marahan naman na napangiti si Krisha habang nag k-k'wento.
BINABASA MO ANG
Pleasured By The Twin Billionaires
Aktuelle LiteraturR-18 | Parental Guidance is advice A life full of obstacles Catherine still raising. Her Grandmother raised her as well. But then, the twin billionaire came into her life that change her life different. The Twin Billionaire who became obsessed and p...