Laki ang ipinagtaka ko dahil sa ginawa nina Calvin sa'kin. Kahit saan ako magpunta'y may apat na nakaitim na palaging nakasunod sa'kin. Hindi narin nila ako pinayagan mag lakad pauwi kasama si Meliz sa halip ay hatid sundo ako sa bahay hanggang school. Ano ba'ng problema ng dalawang 'yun.
Noong nakaraan naman sinundo nila ako sa school ng walang pasabi at bigla nalang sumulpot mula sa likuran namin ni Meliz. Mas naging mahigpit sa'kin ang dalawa pero parang alam ko kung ano ang dahilan nito. Siguro'y ang Fector Institute.
“Hoy! Lalim ng iniisip mo diyan.” siko sa'kin ni Meliz dahil sa'king pagkakatulala. Bumalik naman kaagad ang diwa ko, nasa laboratory nga pala kami nag e-experiment ng mga kung ano-anong element dito. “Ano iniisip mo ba't tulala ka?”
Tumingin naman ang aking mga mata sa kaniyang gawi. “Wala naman, lumulutang lang talaga ang utak ko.” sambit ko at mahinang natawa, napailing-iling naman si Meliz habang natatawa na rin.
“Kulang kaba sa tulog?” tanong nito habang may hawak-hawak na glass kung saan nakalagay ang kulay green na liquid. Naka lab gown kami ngayon para maprotektahan ang aming sarili sa contamination ng mga liquido na'to at kung sakaling bigla itong mag explode na napaka delikado.
“Hindi naman, tinanghali na nga ako ng gising kanina kasi akala ko wala akong morning class. Tapos meron pala nagmadali tuloy akong umalis ng Bahay kanina.”
“Oo, halata naman. Anong oras kana dumating kanina buti nga nakahabol kapa rito sa laboratory kung hindi bagsak ka this sem.”
“Kaya nga eh,” pagsang-ayon ko saka napatingin sa mga kaklase ko kasama ang kaniya-kaniya nilang partner sa project na'to. Mga busy at focus na focus sa mga ginagawa.
As of now, kaunting stress palang ang nararamdaman ko sa pag-aaral. Dahil magagaling naman ang mga nagiging ka grupo ko pagdating sa research at mga computer science kahit sa physics at biology. Ang nagiging ambag ko lang sa grupo'y pabuhat lang. Hindi ko naman kasi sila gaano ka sundo o ka close kaya parang wala lang ako sa kanila.
“For now on thats all! Im going to leave. Goodbye.” paalam ng professor namin saka lumabas ng laboratory room dala-dala ang kaniyang mga gamit palabas.
Nagpalit naman kaagad ako ng damit bago lumabas ng laboratory room kasama si Meliz na tapos narin mag palit.
“Bakit nga pala may mga lalaking naka itim na palaging nakasunod sa'yo? Saka hatid sundo kana rin 'di na tuloy tayo nakakapag lakad para naman makapag k'wentuhan pa tayo.” sambit ni Meliz habang naglalakad kami pababa ng ground habang nasa likod naman namin ang mga nagbabantay sa'kin na nakasunod lang.
“Hindi ko rin alam sa dalawang 'yon.” tukoy ko kay Vincent at Calvin saka napa iling-iling nalang ang ulo sabay buntong hininga.
“Napaka secured naman ng dalawang 'yon, takot na takot mapano ka eh” napatango nalang ako saka kami napahagikgik ni Meliz.
Nangmakarating kami sa ground iniikot-ikot ko ang aking paningin para hanapin ang kung sino. Ang babaeng kamukha ko. Gusto ko talaga siyang makausap alamin ang mga gumugulo sa'king isipan.
“T-teka Meliz.” mahinang sambit ko kay Meliz na siya namang nilingunan ako at tinaasan ng dalawang kilay.
“Bakit?” takang tanong ni Meliz na nakakunot ang noo.
“W-wala.” saad ko't sinusundan ang babaeng tinitingnan ng aking mga mata. Papasok 'tong muli sa ikatlong building kung saan ang building nito dahil pumasok ito sa ikatlong gusali.
“Mag r-restroom lang.” paalam ko kay Meliz. “May i go to the restroom?” tanong ko sa mga nagbabantay sa'kin. Hindi kona inintay ang permission nito na payagan ako dahil agad at mabilis akong tumakbo sa harap ng ikatlong building.
BINABASA MO ANG
Pleasured By The Twin Billionaires
General FictionR-18 | Parental Guidance is advice A life full of obstacles Catherine still raising. Her Grandmother raised her as well. But then, the twin billionaire came into her life that change her life different. The Twin Billionaire who became obsessed and p...