Chapter 30

3.2K 28 8
                                    

Catherine POV:

“Meliz!” tawag ko kay Meliz habang mabilis na tumatakbo papalapit sa kinatatayuan nito. Mukhang 'di ata ako narinig nito kaya hindi man lang ito lumingon sa'kin. Nang mapansin niyang may papalapit sa kaniya'y saka lamang lumingon sa sa'kin si Meliz. Nagulat naman ito ng makita akong lumapit sa kaniya.

“Ohh Catherine bakit ka tumatakbo?” bahid sa boses nito ang pagtataka. Pinunasan niya muna ang pawis bago sumagot.

“Hinabol kita para sumabay sana sa 'yo pauwi, wala kasi akong kasama papauwi tutal malapit lang naman ang bahay niyo sa bahay.” sagot ko rito at sumabay sa paglalakad.

“Ah kala ko naman kung ano, sana tinawag mo nalang ako kanina para naintay kita't 'di kana tumakbo.” saad naman ni Meliz.

“Tinawag talaga kita kaya lang hindi ka lumingon kaya hinabol kita para maabutan.” sagot ko sa kaniya habang hawak ang sariling dibdib.

“Tinawag mo ba talaga ako? Bakit hindi ko narinig? Nabibingi na ata ako.” ani naman ni Meliz at mahinang natawa. “Ano mag c-commute ba tayo oh maglalakad nalang?” dagdag na tanong ni Meliz.

“Mas mainam siguro kung mag lakad nalang tayo para naman makapag exercise kahit papaano.”

“Oh sige, bakit nga pala wala kang sundo ngayon?” takang tanong ni Meliz nagpatuloy naman kami sa paglalakad.

“Gusto ko kasing maglakad kaya nagpaalam ako na 'wag na'ko sunduin at sinabi kong kasama kita.” saad ko sa kaniya na kaniya namang tinanguhan. Si Meliz ang naging kaibigan ko rito sa Xcienisce University. Isa ring filipino si Meliz kaya 'to kaagad ang kauna-unahan kong naka close kani-kani lang. Ngayon kasi ang unang araw ko sa University na'to. 

Nabanggit niya rin kung saan siya nakatira rito at magkalapit lang pala ang aming tahanan. Kaya naman nag text ako kay Vincent na maglalakad nalang ako pauwi at huwag na'ko ipasundo. Ayaw pa pumayag ni Vincent ngunit napapayag ko rin naman 'to.

“Nakakapag taka lang bakit tayo bawal pumunta sa Building three?” takang tanong ko dahil sa curiosity na bumabalot sa'kin.

“Yan din ang tanong ko sa sarili ko rati noong una palang ako rito sa University. Bawal tayo mag punta roon kapag may ginaganap na pagsubok.” sagot sa'kin ni Meliz.

Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi nito. “What do you mean? Pagsubok anong klaseng pagsubok?” taas kilay ko ring tanong.

“Kung isa kabang karapat-dapat, isang malaking sikreto ang itinatago sa loob ng Building three, kung saan kapag may ginaganap na pagsubok sa loob nito nagkakaroon ng patayan… libreng pagpatay ang mga studyanteng nag aaral sa loob ay mga criminal, rebelde, o mga baliw na pinag eksperementohan.” bulong ni Meliz sa'kin na nagpatindig ng aking mga balahibo.

“Bakit hinahayaan 'yon ng University? Hindi ba saklaw ang bagay na 'yon sa gobyerno?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ko.

“Oo, subalit walang nakakaalam ng mga nangyayari sa loob ng Building na 'yon ang tanging school administer lamang at ang mga studyante sa loob.” mahinang sambit ni Meliz sa'kin baka sakaling may ibang makarinig sa'ming pag uusap. “It's a part of School organization.”

Napatango-tango naman ako dahil sa gulat sa mga nalaman. “That was so unbelievable.” i shrugged my head in disbelief.

“But promise me to keep it a secret.” ani ni Meliz sa'kin habang nakatingin. “Malalagot tayo kapag may ibang nakaalam tungkol d'yan.” tumango naman ako.

“Promise, i won't tell it to anyone.” sambit ko't nagpatuloy kami sa paglalakad. Ilang minuto lang ang inabot namin ni Meliz sa paglalakad bago makauwi sa Kaniya-kaniya naming bahay.

Pleasured By The Twin BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon