Kakasya na kaya ito para sa panggastos ko para sa pag aaral ko? Kasalukuyan akong nasa aking silid habang binibilang ang perang naipon ko sa pag tatrabaho ko sa restaurant.
Ibinalik ko na sa lagayan ang ipon kong pera saka ibinalik ito sa aking damitan. Lumabas na ako ng silid para mag linis ng bahay. Hindi na ako mag aalmusal dahil wala naman si lolang nalutong almusal dahil nagtitipid kami ngayon malapit na kasi ang bayaran ng tubig at ilaw namin.
Malaki nanaman kasi ang babayaran namin hindi naman kami makaangal dahil nakikikabit lang kami ng kuryente sa kabit bahay. Baka Pagnagreklamo pa kami baka ipaputol pa ang kuryente namin.
As usual ginawa ko na ang mga gawaing bahay bago umalis ng bahay. Si lola naman maaga naalis yun ng bahay para mag hanap ng mapagkikitaan. Minsan nagongopra ito o nag titinda sa palengke ng mga gulay at karne.
“Cath!” tawag ni Ate Janet sa labas ng bahay. Si ate janet ang kapit bahay namin kung saan kami nakikikabit ng kuryente. Maniningil na ito ng kuryente magkano nanaman kaya ang sisingilin nito. Naglakad ako papunta ng pinto saka ito binuksan.
“Bakit po?” magalang kong tanong kahit alam ko naman ang pakay nito kung bakit ito andito.
“Yung bayad niyo sa Kuryente?” mataray na tanong nito saka inilahad ang kamay. Kahit kailan talaga napaka taray ni ate janet kaya siguro tumandang dalaga ito.
“Magkano po ba?”
“Mura lang, tatlong libo.” hindi na'ko nagulat sa hiningi nito buti nga at bumaba naman kahit papaano. Nung mga nakaraang buwan kasi mahigit apat o limang libo ang sinisingil sa amin kahit wala naman kaming gaanong appliances ni lola at maghapon naman kaming wala dito sa bahay sa gabi lang namin nagagamit ang kuryente. Sila nga itong napakaraming appliances mga naka aircon pa tas limang libo lang ang babayaran nila sa kuryente.
“Ano magbabayad ba kayo o puputulan ko kayo. Baka nag rereklamo pa kayo jan, nakikikabit na nga lang kayo.” mataray nitong saad. Kala mo laging may dalaw.
“Wait lang po kukunin ko lang po yung pambayad.” tumalikod na ako saka pumasok ng kwarto ko. Kumuha ako ng tatlong libo sa pitako ko saka ibinigay kay ate janet. Pagalit pa itong kinuha ni ate janet bago umalis.
“Magkano nalang kaya ang pera ko dito?” napahinga nalang ako ng malalim at muling itinago ang pitaka sa damitan ko. Si lola naman ang magbabayad sa tubig. Buti pa ang tubig namin dalawa hanggang tatlong daan lang ang binabayaran namin.
Nakakalungkot talaga pag wala kanang pera. Ang hirap talaga ng buhay. Kaya pag pupursigihin kong makapagtapos ng pag aaral at maging Architec balang araw at mabigyan ko ng magandang buhay si lola para hindi na siya mahirapan pang mag trabaho para lang may pang gastos kami.
Tinapos kona ang gawaing bahay saka ako tuluyang pumasok sa trabaho ko.
“Paano yan sa pasukan, paano ka papasok dito sa restaurant?” tanong ni ate Fait habang nag lilinis kami ng restau bago namin ito buksan.
“Hindi ko nga din alam, magkakahiwalay naman siguro ang schedule ng bawat sub namin. Siguro pag wala pang klase pupunta muna ako dito at mag tatrabaho saka ako aalis pag may klase na kami.”
“Sabagay.”
“Oh tapos na kayo mag linis jan?” Bungad ni Kuya Mack isa sa mga chef dito sa restaurant ni kuya Ray. Teka asan ba si kuya Ray bat parang hindi ko pa siya nakikita ngayong umaga?
“Oo, tapos na kami. Mag bubukas naba tayo?” balik na tanong ni Ate Fait. Tumango naman si Kuya Mack. Lumabas si ate fait para palitan ng Open ang naka lagay na Close sa labas.
Maya maya pa'y may mga customer ng nagsipasukan sa loob. Nagsimula narin akong kumuha ng mga order nila katulong ko naman si Ate fait.
“Anong table to?” tanong ko sa order na to kung kaninong table ko ito ibibigay.
BINABASA MO ANG
Pleasured By The Twin Billionaires
General FictionR-18 | Parental Guidance is advice A life full of obstacles Catherine still raising. Her Grandmother raised her as well. But then, the twin billionaire came into her life that change her life different. The Twin Billionaire who became obsessed and p...