Chapter 6

7.9K 85 0
                                    

Oras na ang nakalipas simula ng ipasok si lola sa loob ng or para operahan. Nananalangin, ayan ang tangi kong nagagawa habang nag aagaw buhay si lola sa loob ng or. Sana okay lang si lola, hindi ko kakayanin pag nawala si lola. Hindi ko muna iniisip kung magkano ang babayaran namin sa pag opera kay lola, ngunit alam kong malaki-laki ang kakailanganin kong pera para sa magiging bill ni lola dito sa Hospital.

“Okay na ba ang lola mo?” tanong ni ate janet ng makarating ito sa kinauupuan ko. Sumunod din pala ito sa akin. Tumingin ako kay ate janet at unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko.

“Hindi ko pa po alam, hindi pa tapos ang operasyon. Pero sana'y maging okay si lola.” sambit ko at ipinikit ang mga mata habang pinupunasan ang mga luha. Naramdaman ko ang kamay ni Ate Janet na tinatapik ang likuran ko.

“Huwag kang mag alala, magiging okay din ang lola mo.” pagpapagaan sa loob ko ni Ate Janet. “Nag i-imbestiga na ang mga police sa bahay niyo at mukang nanakawan kayo. Marahil nais pigilan ng lola mo ang mga mag nanakaw kaya siguro nasaksak ang lola mo.” tumango naman ako kahit lumulutang ang utak ko sa kawalan.

Tumayo na si ate Janet. “Sige mauna na muna ako, ako na muna ang bahala sa pag aasikaso sa bahay niyo, habang iniintay mo ang lola mo na makarecover.” tinapiktapik nito ang balikat ko saka tuluyang umalis.

Makalipas ang ilang oras na pag iintay ko rito sa labas ng or. Lumabas narin ang doctor na nag opera kay lola. Lumapit ito sa akin saka ipinaliwanag kung anong nangyari kay lola.

“ Successful ang operasyon at nasa mabuting kalagayan na ang pasiyente. Kasalukuyan din wala pang malay ang pasiyente. Mabuti at nadala niyo kaagad ang pasiyente rito sa hospital dahil mabilis naming naagapan at natahi ang sugat ng pasiyente sa kaniyang tiyan. Malalim ang kutsilyong ginamit sa pagsaksak sa pasiyente dahil para madamay din ang mga intestine ng pasiyente sa loob ng kaniyang katawan, kaya kinakailangan din namin itong tahiin. Luckily naka survived naman ang pasiyente. Sa ngayon inililipat nalang namain ang pasiyente sa room nito.” ani ng doctor na nag opera kay lola.

“Magkano po ang babayaran namin sa pag opera kay lola?” tanong ko habang nakatingin sa doctor na nag opera kay lola.

“Hindi ko pa masasabi sa ngayon ang babayaran niyo sa pag opera sa pasiyente. Ngunit kakailanganin niyo ng malaking pera para sa pambayad sa operasyon. Bukod pa ang tagal ng pag confine ng pasiyente rito sa hospital.” tumango-tango naman ako. Saan kaya ako makakakuha ng pera pang bayad. Muka wala na ang perang naipon ko dahil gaya nga ng sinabi ni Ate Janet nanakawan kami.

“Maari ko na po bang makita ang lola ko?”

Tumango naman ang doctor. “Nasa isang facility na ang pasiyente. Medyo sensitive pa ang pasiyente padil kakaopera palang namin dito. Ngunit maari mo naman ng makita ang pasiyente.” saad ng doctor at nagpaalam ng umalis. Nag pa assist naman ako sa isa sa mga nurse dito sa ospital para makita ko si lola at makamusta ang kalagayan nito.

Kaagad akong lumapit kay lola ng makita ang kalagayan nito habang walang malay na nakahiga sa kama. Naupo ako sa tabi ni lola at hinawakan ang isa nitong kamay. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang walang malay na muka ni lola.

“La, pagaling ka ha. Huwag mo muna ako iiwan gawa ng ginawa ng mga magulang ko. Ikaw nalang ang tanging meron ako at hindi ko kakayanin pagnawala kapa la. Susuklian ko pa lahat ng paghihirap mo sa akin. Bibigyan pa kita ng magandang buhay. Kaya la laban lang, pagaling ka ha.” wika ko habang tumutulo ang mga luha ko. Marahan kong hinahawakan ang malambot na kamay ni lola.

Nakalimutan ko ng may klase pa pala ako ng alas tres ngunit mas pinili kong manatili dito sa hospital upang bantayan si lola and isa pa hindi ko naman kakayaning pumasok ngayon dahil sa dinadala ko ngayon.

Pleasured By The Twin BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon