André
"Commander, kailan nga ulit yung next gig mo?" Evan, one of my fratmates asked, habang nakaupo kami sa may bleachers sa loob ng Gold Racing Academy. Dito ang bagong hazing grounds ng Omega Phi. Malayo sa university kaya walang masyadong nakakaalam.
"Bukas. Sa Graphite. Make sure to bring the recruits. Drinks on me," anunsiyo ko sa mga kasama ko ngayon.
"Yown!" Another fratmate, Darwin commented.
I was supposed to be on my final year of my studies, Software Engineering last year. But, I dropped some of my subjects, kaya ngayon inuulit ko na naman ito para lang maka-graduate na ako.
"Sino ang target natin ngayon?" Tinapik ako ni Evan sa balikat kaya napatingin ako sa kanya.
"What do you mean?" I sneered at him.
"Para sa mga bagong recruits sa frat. Ano ang ipapagawa natin?" Evan asked again.
I took a long breath. Ako ang current president ng Omega Phi, because Kell was busy mending his heart after Koleen chose to be with Jale aka Kell's older brother... and Logan was busy with his only love - baseball...
Therefore, I, Alexandré Deux Laurent, was left with no choice, but to become the president of Omega Phi.
"May idea ako. What if rentahan natin ang isang buong nightclub tapos bayaran natin yong mga sex workers para makipag-sex sa mga bagong recruits while being filmed?" suggestion ni Evan, isa pang kasama sa grupo.
"Brad, hindi ako okay diyan," sabi ni Rance na siyang pinaka-good boy sa lahat ng mga ka-miyembro namin.
"What? Nung ako nga pinakain ako ng tae sa public toilet. Ano ba naman ang makipag-sex? That's a natural act," depensa pa ni Evan.
I held my temples, massaging them. Pinapasakit pa nila ang ulo ko. "Hey, all of you! Stop! We'll talk about this in a meeting. Huwag dito, mga gago."
"Oh, may regla ka ata ngayon, Commander," panunukso pa ni Evan sa akin.
Sinuntok ko siya sa aking tabi. "Asshole! Baka ikaw ang may regla!"
BLAG.
Isang malakas na tunog ang aming narinig mula sa gilid. Napatingin na rin ako at nakita ang isang bagong recruit na nakahilata sa sahig.
"Uy, tangina! Nahimatay na ata," anunsiyo ni Darwin.
Agad akong tumayo at lumapit sa race track. Pinatakbo namin ang mga bagong recruits ng frat sa buong race track ng sampung lap. Aabutin sila ng approximately ten minutes per lap, so kung ten laps, mga one hour and forty minutes silang tatakbo.
Kakasimula pa lang nilang tumakbo. Isang lap palang ang natatapos ng karamihan.
Pero, itong isang ito, mukhang hindi na kakayanin ang buong ten laps.
"Recruit, ano? Kaya mo pa?" I asked the guy lying down the ground.
Umubo siya nang malakas habang pinipilit na tumayo. "Kaya ko, Commander!"
I stared at him. His face was too feminine. Masyado siyang payat. Wala rin siyang biceps. Judging by his looks alone, he wasn't fit to be a part of the fraternity.
"Sigurado ka?" tanong ko ulit habang pinapanood siyang tumayo.
"Yes, Commander," pasigaw pa niyang sagot at nagsimula na ulit siyang tumakbo.
BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art
![The Elixir Project [Gen L Society #4]](https://img.wattpad.com/cover/262911561-64-k644910.jpg)