Charlie
TW: mature scene not for young audience. Please skip and read with care.
"Andres, hindi ka pwede dito. Nag-rereview ako. Malapit na ang exam ko," reklamo ko sa lalaking katabi ko sa sofa. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang karga niya si Clau sa hita niya. Napaka-clingy talaga ng dalawang 'to.
"Mahal naman. Ngayon na nga lang tayo nagkita," usal pa ng lalaki.
"Ano'ng ngayon lang? Lagi ka kayang nandito!"
Ngumuso si André. "Clau, ayaw na raw akong makita ng mama mo," sumbong pa niya sa anak namin.
"Mama, ayaw mo nang makita si daddy?"
Pinanliitan ko ng mata ang lalaki sabay sampal ng kanyang braso. "Ikaw talaga. Dinadamay mo pa si Clau dito."
"Awww. Look, anak, sinasaktan ako ng mama mo..." sumbong ulit niya.
"Mama, bakit mo sinasaktan si daddy?"
Nginitian ko ang bata. "Anak, gutom ka na ba?" tanong ko para ibaling ang atensiyon niya.
"Mmm... gusto ko ng chicken nuggets, mama!" Excited na sagot ng bata.
"Oh, chicken nuggets daw! Kaya mo namang magluto di ba, daddy?" Tinapik ko ang hita ni André kaya inayos niya ang kanyang upo.
Bumuga siya ng hangin sabay tayo habang kinakarga pa rin si Clau papunta sa kusina. "Of course, I can. Chicken nuggets ba, anak? Ilan gusto mo?"
"Five!"
"Five lang?"
"Ten!"
"Ten? Sure ka na? Final answer?"
"Opo, daddy!"
Pinanood ko ang dalawa sa kusina habang nagluluto si André. Ilang linggo na rin ang lumipas simula noong nagkabalikan kami ng lalaki at wala na akong ibang mahihiling pa ngayon kung hindi ang magtuloy-tuloy na ang pagkakabuo ng aming pamilya.
Sa ngayon, tinutuon ko ang oras ko sa pag-rereview para sa licensure exam ko. Mas lalo pa akong ginanahan ngayon sa pag-aaral kahit na minsan ay hindi ako makapag-concentrate dahil laging nandito sa condo si André.
Matapos magluto ni André ay kumain na kami ng niluto niyang chicken nuggets. In fairness, hindi naman nasunog ang condo habang nagluluto siya.
"Masarap ba, mahal?" Tanong pa niya sa akin habang kumakain kami.
"Masarap naman."
Binaling ni André ang tingin kay Clau. "Gusto mo pa, anak?"

BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art