Chapter 41

882 12 1
                                    

Charlie

TW: mature scenes not for younger audiences. Please skip and read with care.


"Anak ng teteng naman, Cha. Bakit hindi mo pa sinabi kay André ang tungkol kay Clau?"


Napapikit ako habang nasa talyer ako kasama si Eko. "Hindi ko alam. Nawala sa utak ko. Kinabahan ako. Lahat-lahat na!"


"Nawala sa utak mo? Di ba 'yon nga ang rason kung bakit ka pumunta sa party?"


"Eko, tama na. Tapos na."


"Ano na ang balak mo? Itatago mo nalang ang bata sa kanya?"


"Sasabihin ko naman talaga... pag handa na ako..."


"Kailan ka magiging handa? Tsaka di ba nasabi mo na kay Clau na ipapakilala mo siya sa daddy niya? Gusto mo bang magalit ang anak mo sa'yo?"


Natahimik ako habang tinitignan si Clau na naglalaro sa gilid ng talyer. Ang tanga ko kasi. Bakit hindi ko nalang sinabi kay André noong nag-usap kami?


"Ano? Gusto mo samahan pa kita? Itatakwil na talaga kita, Cha, pag hindi mo pa sinabi kay André ang totoo."


Maya't maya pa ay isang text ang natanggap ko mula kay Fina. "Charlie, daan ka dito sa company namin para ma-endorse kita. Sakto pag nakapasa ka na sa exam, magkakatrabaho na tayo dito."


Bumuga ako ng hangin habang nagti-tipa ng reply. "Sige, daan ako mamaya."


Sabado ngayon, pero mukhang may trabaho si Fina. Iniwan ko na muna si Clau kina Eko habang nagtungo ako sa kumpanyang pinagtatrabahuan ni Fina.


Nang makarating ako sa café sa baba ng building nila, nakita ko si Fina na nakaupo na sa gilid.


"Charlie!" Bati ni Fina sa akin habang umuupo ako sa harap niya.


"Fina, kumusta?"


"Ikaw ang kumusta? Ano? Nasabi mo na ba kay André?" Agad na usisa niya.


Umiling ako. "Hindi pa."


"Ha? Bakit hindi? Akala ko nasabi mo na noong party?"


Oo nga pala. Nabanggit ko ito noon kay Fina.


"Ano ba ang pumipigil sa'yo? Galit ka pa rin sa kanya?"


"Hindi naman. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulang sabihin..."


"Hindi mo na ba mahal si André?"


Napatigil ako sa tanong ni Fina. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa lalaki. Kahit sa tagal naming hindi pagkikita, siya pa rin ang laman ng bawat sulok ng puso ko.

The Elixir Project [Gen L Society #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon