Charlie
"So far, there's nothing wrong with her test results. Maybe her nosebleeds could've just been caused by stress, especially all those things that happened during the hazing," pag-explain ni Dok Jale matapos akong samahan ni Koleen sa check-up ko sa FU Hospital.
Tumango naman ako. "Salamat, Dok Jale."
"That's a good thing, at least," sabi pa ulit niya.
"Still, kailangan mo pa ring alagaan ang sarili mo, Charlie. Make sure na natutulog ka nang maayos," paalala naman ni Koleen sa akin.
"Eat healthy and take vitamins," dagdag ni Dok Jale.
"Sige po, dok." Ngumiti ako sa dalawang kaharap ko ngayon. Parang bigla tuloy akong nagkaroon ng instant ate at kuya dahil sa kanila.
"By the way, alam mo na ba ang tungkol sa community immersion ng Gen L sa weekend?" tanong ni Koleen sa akin.
Huminga ako nang malalim at naalala ko ang pagpunta ko kaninang umaga sa Office of Student Affairs. Akala ko talaga ay ma-e-expel na ako dahil sa pagpapanggap ko para makapasok sa frat.
Mabuti nalang at sinabihan lang akong kailangan kong makumpleto ang community service sa pamumuno ng Generation Lonely o Gen L Society - isang org sa campus na binubuo ng mga members galing sa iba't ibang departments na laging active sa mga charities at fundraising events.
"Ah, opo. Galing ako kanina sa office," sagot ko naman sa president ng Gen L Society na si Koleen.
"Sige. Uuwi ka na ba?" tanong ulit niya.
"André's been texting me since earlier asking about Charlie," saad ni Dok Jale habang nakatingin sa cellphone niya. "Gusto mo ba ipasundo ka namin?"
Umiling ako. "Huwag na po. Mag-commute nalang ako."
"Ayaw mo pa ring makita si André?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Koleen. Mas mabuti lang sigurong hindi na kami maging magkaibigan pa ni André. Maaalala ko lang ulit ang nangyari sa akin noong nasa frat pa nila ako.
"Alam kong may galit ka pa rin kay André, pero mas mabuti nang sunduin ka niya para may kasama ka at mas safe ka pa."
Wala na akong nagawa nang tawagan ni Koleen si André. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating rin agad ang lalaki sa may waiting area ng FU Hospital.
"Oh, André, diretso kayo sa condo ha?" paalala pa ni Koleen sa lalaki.
Sumaludo naman ang lalaki. "Yes, boss."
Tahimik pa rin ako habang sinusundan si André patungo sa parking lot. Nagulat ako nang tumigil kami sa harap ng isang matte at pulang kotse. Iba ito sa race car niya.
"Hindi tayo magmo-motor?" Napatanong pa tuloy ako sa kanya.
Umiling naman siya. "I figured mas safe ka pag sa loob ng kotse."
"Pero, akala ko ba hindi ka nagda-drive nito simula noong-" Napatigil ako bago ko pa masabi ang pangalan ng kapatid niyang namayapa na.
Ngumiti lang siya sa akin. "For you, I can."
Hindi na ako umimik pa at pumasok nalang sa kotse nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Pumasok na rin si André habang tahimik lang ako sa tabi niya. Pinaandar na niya ang kotse at biglang tumunog ang music mula sa speakers nito.

BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art