Charlie
(Trigger warning: Violence. I don't encourage such behavior/actions. This is solely for the purpose of fiction. Please read with care.)
Ngayong araw na ito, ako si Charleston Buenavista, isang freshman architecture student sa Fotheringham University at isa akong lalaki.
Pero ang totoo niyan, ako talaga si Charlemaigne Sandos, at isa akong tunay na babae.
Bakit ako nagpapanggap na lalaki? Simple lang. Dahil hindi sila nagpapapasok ng isang babae sa fraternity na Omega Phi...
Ang frat kung saan kabilang dati si Kuya Chester...
Ang frat na siyang kumitil sa buhay ng aking kuya.
"Recruit, inumin mo yan para hindi ka makatulog mamaya," ani Evan, isang miyembro ng Omega Phi matapos ang meeting naming mga bagong recruit sa fraternity.
"Ano po ito, master?" Napatitig ako sa isang maliit na parang capsule na binigay niya sa aking palad.
"Basta, parang vitamins lang yan. Makakatulong yan sa pagtakbo ninyo mamaya. Magtiwala ka sa akin." Tinapik pa niya ang aking balikat habang nakangisi.
Napatingin ako sa iba kong mga kasamahang recruit. Naghahanda na sila sa pagtakbo namin sa racetrack na utos ng Commander.
"Ano? Kailangan mo ba ng tubig? Ang liit lang niyan o," pagpapatuloy ng lalaking nagbigay sa akin ng gamot.
Napalunok ako habang nakatingin sa akin ang lalaking kaharap ko. Napapalibutan ako ngayon ng mga miyembro ng Omega Phi. Kung hindi ko ito gagawin, baka kung ano ang gawin nila sa akin.
Bahala na si Lord sa akin.
Huminga ako nang malalim bago ko nilagay sa aking bibig ang maliit na capsule.
"Ano? Nalunok mo na?" tanong pa ulit ng lalaki sa akin. "Patingin ng bunganga mo."
Napapikit ako habang pinipilit na itago ang tableta sa gilid ng aking bunganga. Muntik ko pang malunok ito habang binubuksan ko na ang aking bibig para ipakita sa lalaking nasa harapan ko.
"Very good! Goodluck mamaya!"
Iniwan na rin ako ng lalaki sa aking kinatatayuan kaya agad kong niluwa ang gamot.
Umubo ako nang paulit-ulit para siguraduhing walang pumasok sa lalamunan ko. Mahirap na at baka mamatay ako sa illegal na gamot na yon.
Ano'ng akala nila sa akin? Bobo?
"Oh, labas na ang mga recruits! Tatakbo na kayo," utos ni Evan sa aming mga recruits kaya lumabas na kaming lahat.
Agad kaming binati ng matinding sikat ng araw nang makarating kami sa malawak na race track.
Nakasuot pa kaming lahat ng kulay itim na hoodie jacket na may logo ng fraternity sa aming likuran kaya mas lalo ko pang naramdaman ang init sa aking katawan.
Maya't maya pa ay pinaputok na nila ang isang baril na hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Pero, sa lakas ng tunog nito, malamang ay totoong baril nga ang hawak nila.
Utos raw ng Commander na tumakbo kami sa racetrack na ito ng sampung lap. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito.
Hindi ko pa natatapos takbuhin ang isang lap, ramdam ko na ang panghihina sa aking mga binti.

BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art