Charlie
Trigger warning: Contains scenes of violence. I do not condone such actions. This is only for the sake of fiction. Please read with care!
"Hindi ka ba talaga aamin?" pasigaw na tanong ng isang lalaki sa akin. Alam kong si Evan ito, isa sa mga executives ng Omega Phi.
Hindi ko kita ang mukha niya dahil sa piring na nilagay nila sa aking mga mata. Nakatali rin ang mga kamay ko sa aking likuran habang nakaluhod ako sa sahig.
Wala akong makita. Wala na rin akong maramdaman dahil sa sakit ng aking katawan. Nalalasahan ko na rin ang luha na pumapatak mula sa aking mga mata. Pati na rin ang dugo na dumadaloy mula sa aking ilong.
Kanina pa nila ako hinahampas ng isang kahoy na paddle na siyang alam kong ginagawa ng mga frat tuwing hazing. Hindi ako nasa hazing ngayon.
Dinakip nila ako dahil nalaman na nilang nagpapanggap ako bilang lalaki. Pero, hindi ako aamin kung bakit ko ito ginawa.
"Akala mo ba dahil babae ka pwede ka nang makatakas sa ginawa mo?" pagpapatuloy na asik ng lalaki.
Umiling lang ako habang naramdaman ko ulit ang hampas ng paddle sa aking likuran. "Aahhh!" sigaw ko.
"Leche! Ginawa mo pa kaming uto-uto! Sino ngayon sa atin ang uto-uto, ha?"
Kinakapos na ako ng hininga. Parang ilang minuto nalang ay mahihimatay na ako.
Ganito rin ba ang ginawa nila kay Kuya Chester? Hanggang sa mamatay siya?
"Ano, ha? Kaya mo pa ba?" Narinig ko ang pagtawa ng mga kalalakihan sa aking paligid.
Hindi ko na kaya. Nahihilo na talaga ako.
"Brad, baka mamatay yan," sabi ng isang frat member.
"Ikulong niyo yan!" utos pa ng isa.
Naramdaman ko nalang ang mga kamay nilang binubuhat ang katawan ko. Pinilit kong kumawala sa kanila, pero masyado silang malakas. Wala akong laban.
"Saan niyo ako dadalhin?" mahinang usal ko. "Pakawalan niyo ako. Parang awa niyo na."
"Hindi ka makakaalis dito hanggang sa matuto ka."
Binagsak nila ang katawan ko sa lupa at sa lakas ng tama sa likod ko, parang mabibiyak na ang buong katawan ko.
Narinig ko ang malakas na paghatak nila ng pintuan hanggang sa tanging paghinga ko nalang ang umaalingawngaw sa paligid.
"T-Tulong..." mahinang sambit ko habang humahapdi ulit ang aking mata dahil sa mga luhang kumawala mula rito.
Nakuryente ako sa lamig ng sahig habang pinipilit kong tumayo mula sa kinahihigaan ko.
Bigla kong naalala yong mga panahong nakatira kami ni kuya sa isang maliit na kwarto noong unang pagtapak namin sa Maynila.
Wala kaming dalang maraming pera noon. Tanging mga sarili lang namin ang aming bitbit, pati na rin ang pangarap naming kalayaan mula sa kahirapan.
Pero, iba ang reyalidad ng buhay. Hindi pala ganoong kadali ang yumaman. Dahil ang mga mayayaman ay walang ibang ginawa kung hindi ang ipamukha sa mga mahihirap na sila ang nasa itaas...
Na hindi makakamit ang hustisya kahit pa ikaw ang inaapi...
At hindi napaparusahan ang mga nang-aapi dahil marami silang pera.

BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art