"Kaya ko to! Para sa pera," kinumbinsi ko ulit ang aking sarili habang nilalagay ang itim na maskara sa aking mga mata bago ako lumabas ng cr.
Punung-puno na naman ang nightclub ngayong gabi. Biyernes kasi kaya marami na namang customers.
Inayos kong muli ang kulay pulang mini necktie sa ibabaw ng suot kong itim na long-sleeved shirt. Hindi pa rin talaga ako sanay ilagay 'tong pesteng necktie na 'to.
Alas otso ng gabi nagsisimula ang shift ko dito sa Amazon - isang exclusive club kung saan halos puro VIP ang mga customers. Mga anak ng elitista, artista, pulitiko, basta 'yong mga hindi nasisikatan ng araw.
Tuwing Biyernes at Sabado lang akong nagtatrabaho dito. Buti at pumayag rin ang manager noong sinabi kong busy ako sa kolehiyo.
"Charles, dali na! Ang daming customer o. Bawal ang mabagal ngayong gabi," utos ng manager namin nang makalabas ako ng cr.
"Sorry po, ma'am. Ang sakit kasi ng tiyan ko eh," bulong ko sa kanya sabay tingin sa suot niyang bunny ears na mukhang pinasuot ng isang customer. "Pero, ang ganda ng tainga niyo ah. Para na kayong si Bugs Bunny."
"Eh kung kurutin ko kaya 'yang tainga mo? Sige na, punta ka na doon. Naghihintay na ang mga customer." Tinulak niya ako patungo sa main floor kung saan binati ako ng mga pulang ilaw na tumatama sa lahat ng sulok ng kwarto.
Napaubo pa ako sa usok ng sigarilyo na bumabalot sa buong lugar. Nilabas ko ang chewing gum na lagi kong dala mula sa aking bulsa at nginuya ko ito.
"Charles, pakibigay 'tong order nila sa vip table 4," utos ng isang kasamahan ko at binigay sa akin ang bilog na tray na may tatlong baso ng alak.
Muntik ko pang mahulog ang tray nang may bumangga sa gilid ko. Wala talagang modo ang mga customer dito. Akala mo kung sinong mga anak ng santo.
Huminga ako nang malalim bago ko hinanap ang table.
Dumaan ako sa gilid ng dance floor para hindi ako maipit sa dami ng taong sumasayaw ngayon.
Nasaan na ba ang vip table 4?
Hindi ko pa masyadong kabisado ang mga placement ng tables dito dahil kakasimula ko palang noong isang linggo. Hindi naman talaga dapat ako magtatrabaho dito eh.
Sobrang gipit lang talaga ngayon at kailangan ko ng pera pambayad ko ng renta, pati pambili ng mga gamit ko sa klase at lalo na para sa gamot ni papa.
Napagawi ang tingin ko sa may bandang gilid ng silid kung saan may mahabang upuan at sa gitna nito ay isang lalaking may kahalikan na dalawang babae nang sabay.
Taena. Paano niya nagagawang halikan sila nang sabay? Dalawa ba ang bunganga at dila ng lalaking 'yon? Ang galing ah.
Umiling ako at akmang bibitawan ko ang tingin sa aking nakita nang biglang nagtama ang tingin namin ng lalaki.
Nalunok ko pa tuloy 'yong chewing gum na kanina ko pa nginunguya.
Teka, ako ba talaga ang tinitignan niya?
Umubo ako nang ilang beses habang hindi naalis ang titig namin sa isa't isa. Patuloy pa rin ang lalaki sa paghalik sa dalawang babaeng akbay nito.
Makapal ang kulay chestnut na buhok nito, matangos ang ilong, prominente ang panga at higit sa lahat, ang mga mata nitong kakulay ng dagat sa Boracay na walang halong filter.
BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Novela Juvenil[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander, Alexandrè Deux Laurent... and it all starts with an elixir. *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English ...