Chapter 8

4.1K 69 2
                                    

Charlie

Nagpatulong ako kay Manong Grab Driver na buhatin si André kahit sa lobby lang ng penthouse na tinutuluyan niya. Mabuti nalang at mabait naman yong driver. Tapos tinulungan rin ako ng guard na nakakita sa akin sa labas ng penthouse.



Nang makarating kami sa top floor kung nasaan ang penthouse nila, nagulat ako na agad na bumungad sa amin ang buong bahay. Sa kanya itong buong top floor dito sa building na ito?


Napailing nalang ako sa mangha nang may lalaking biglang dumating at papalapit na sa amin.


"Dré? Teka, sino ka?" tanong ng isang moreno at matangkad na lalaking nakasuot ng sleeveless na shirt at jogging pants.


Napakurap ako ng aking mga mata. "Ah, eh... recruit po ako sa Omega Phi. Hinatid ko lang siya dito kasi nalasing."


"Ganun ba. Salamat." Agad namang binuhat ng lalaki si André na parang wala lang. Mas matangkad at mas malaki nga naman ang katawan ng lalaking ito kumpara kay André.


Aalis na dapat ako nang biglang nagsalita siya ulit.


"Teka, ano pala pangalan mo?"


"Uh, Charleston po."


Napatigil ang lalaki habang nakatitig sa akin. "Logan nga pala."


Tumango naman ako sabay tingin sa baba. Sana naman hindi niya mahalata na babae ako. Maluwag naman ang tshirt ko ngayon ah tapos nakasuot rin ako ng cap sa ulo. Papasa rin namang pang-lalaki ang boses ko.


"Paano ka uuwi? May kotse ka ba?" tanong pa ulit niya.


"Ah, wala po akong kotse. Mag-co-commute lang ako," sagot ko naman.


"Taga-san ka ba?" usisa pa niya.


"Valenzuela po."


Nanlaki ang mga mata ng lalaki. "Valenzuela? Ang layo pa nun ah tsaka anong oras na. Bat di ka nalang matulog dito?"


Ngayon naman, ang mga mata ko ang nanlaki. "P-Po?"


Tumango ang lalaki. "Oo, ayos lang. Dalawa lang kami dito ngayon. Diyan ka nalang sa sala matulog. Komportable naman yang sofa namin kung okay lang sayo."


"Huwag na po. Okay lang ako."


Bumuga siya ng hangin. "Oh sige. Magbu-book nalang ako ng Grab para makauwi ka agad."


"Seryoso po kayo?"


Tumango naman ang lalaki. "Hintayin mo ako dito. Ibababa ko lang tong unggoy na 'to sa kwarto niya."


Matapos ang ilang saglit, nag-book nga siya ng Grab para sa akin. Nagpasalamat na rin ako sa kanya.


Siya pala si Lorenzo Reigan Maxwell na isa sa mga bestfriends ni André. Siya rin ang baseball captain sa university namin. Kaya naman pala iba ang built ng katawan niya.


#


"Charlie, hindi ka mag-rereview para sa finals natin?" tanong ni Fina sa akin habang nasa loob kami ng classroom.


Humikab ulit ako bago ko siya tinignan sa tabi ko. Kulang na kulang rin ako sa tulog dahil sa mga plates namin. "Sus. Stock knowledge lang ako."


Tumawa naman si Fina. "Sana lahat talaga may stock knowledge."


Ang totoo niyan, hindi talaga ako nakapag-aral. Late na akong nakauwi noong Sabado dahil sa pesteng frat party na yan tapos may trabaho ako sa talyer kahapon.


The Elixir Project [Gen L Society #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon