Chapter 30

937 17 0
                                    

Charlie

Kinaumagahan, maaga kaming sinundo ni André sa bahay. Natulog siya sa malapit na hotel dito sa amin dahil hindi naman siya pwedeng matulog sa bahay. Malilintikan siya kay papa pag pinilit pa niyang matulog katabi ko.


"Magandang umaga po!" Masiglang bati niya sa amin ni papa habang tinutulak ko ang wheelchair palabas ng bahay.


"Magsisimba ka rin ba, iho?" Tanong ni papa sa lalaki.


"Opo. Mahirap na baka bawiin ni Lord sa akin ang anak niyo," biro pa ni André.


Inirapan ko lang siya habang tumabi siya sa akin para tulungan ako sa pagtulak ng wheelchair ni papa.


"Morning, Chal," bulong pa nito sa akin.


Pinandilatan ko siya ng mata dahil baka marinig siya ni papa. Hindi pa rin ako sanay na may nagsasabi ng ganito sa akin. Lalo na sa harap ng magulang ko.


"Hindi po sasama si tita?" Tanong ulit ni André habang hinahanap si mama.


Umiling ako. "Maglalaba pa raw siya at maglilinis ng bahay."


Tumango naman ang lalaki habang tinutulungan na si papa papasok sa kotse.


Nang makarating kami sa simbahan, halos puno na rin ang mga upuan. Mabuti nalang at may nahanap pa kaming bakante sa may likod.


Mahigpit ang hawak ni André sa kamay ko hanggang sa matapos ang misa. Akala naman niya aalis ako sa tabi niya.


"Thank you talaga, Lord Jesus at ipinagkatiwala niyo sa akin ang babaeng ito," rinig kong sambit ng lalaki habang nakapikit pa ang mga mata sa tabi ko bago kami umalis ng simbahan.


Pinisil ko ang kamay niya. "Gumising ka nga, Andres. Para kang tanga diyan."


Ngumiti lang siya habang naglalakad na kami pabalik ng kotse. Nang maisakay namin si papa, hinila ako ni André pabalik sa loob ng simbahan. Kaunti nalang ang mga taong naiwan dito pero nahiya pa rin ako nang makarating kami sa gitna ng simbahan.


Sinampal ko ang braso niya. "Andres, ano ba ang ginagawa natin dito? Nakakahiya sa mga taong nagdadasal."


"Sshh, mabilis lang 'to..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko sabay buga ng hangin.


"Ano na namang pakulo 'to?"


"Chal... I'm not perfect. At sigurado akong magkakamali pa rin ako in the future, but I will try my very best to not hurt you. I will do whatever it takes to keep you close to me without seeing you cry in sadness. At sisiguraduhin kong ako lang ang lalaking mamahalin, pakakasalan at ililibing sa tabi mo..." Tumigil siya saglit at may kinuha mula sa bulsa ng kanyang jacket.


"A-Andres, ano ba yan?" Bigla akong kinabahan sa gagawin niya. Ilang araw pa lang kaming naging official, pero magpo-propose na ba siya?

The Elixir Project [Gen L Society #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon