Charlie
Taena. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi naman ako uminom ng kape ah. Ganito ba talaga ang epekto ng isang Alexandré Deux Laurent sa isang babae?
Wala na. Malala na to. Kailangan ko nang umalis bago ako tuluyang mahulog.
"Wait..." biglang nagsalita si Olivia. "What is that smell?"
Sininghot ko ang aking sarili. Nakasuot pa rin pala ako ng mask kaya siguradong hindi nila ako mamumukhaan. May oras pa akong umalis.
"Charles," boses ni André ang nakapagpatigil ng aking puso, pati na rin ang paggalaw ng aking mga paa.
"Uh... s-sorry. Ako yata yong mabaho," sagot ko sabay buga ng pekeng tawa.
"Charlie, is that you?" tanong ni Olivia.
Tumango ako. "Magpapalit na sana ako ng damit. Sorry napadaan ako dito. Hindi ko sinasadyang makita kayo. Sige, iwan ko na muna kayo-"
"Charles, wait."
Napatigil ako sa sinabi ni André. "Bakit?"
"Take this." Lumapit siya sa akin habang tinatanggal ang jacket na suot niya. Nang marating niya ako, sinabit niya ang jacket sa likuran ko.
Napakurap ako nang mabilis. "Ha? Pero-"
"Tanggalin mo na yang uniform mo. You smell like a fucking dumpster!" saad ng lalaki sabay layo na ulit sa akin.
Kumunot ang noo ko. Akala ko pa naman totoong concerned na siya sa akin.
Napatawa nang mahina si Olivia. "Charlie, I can tell them na bigyan ka ng new uniform. Don't worry."
"Sus, huwag na. Salamat nalang. Baka sabihin na naman nila nakikipag-FC ako sa inyo," usal ko.
"Don't listen to them, Charlie. Besides, we're friends naman talaga," sabi pa ni Olivia.
"Hindi na. Okay lang talaga ako," sagot ko ulit.
"Okay. You can get lost now, then." Tinaas ni André ang kanyang kamay sabay senyas na umalis na ako.
Tsk. Oo na. Aalis naman talaga ako. Binabawi ko na. Hindi ko talaga gusto ang lalaking ito.
Matapos ang shift ko ng araw na yon, sobrang sakit ng katawan ko. Ang dami naming nilinisan na kwarto sa hotel. Mula first floor hanggang seventh floor ang naka-assign sa amin at kaming dalawa lang ni Bryan.
Hindi ko alam kung pinapahirapan ba nila ako dahil unang araw ko palang, pero hindi ako susuko.
"Charles."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na naman ang boses ni André. Nasa labas na ako ng hotel at naglalakad sa may parking lot. Nakatayo si André sa tapat ng kanyang motorbike at mukhang may hinihintay.
"Nandito ka pa rin?" tanong ko sa lalaki.
"Guest ako dito. Bakit, bawal ba?" sagot naman niya.
Inirapan ko siya. "Okay."
"Wait," sambit ulit niya. "Hatid na kita."
Nilingon ko ulit ang lalaki at inaabot na ang helmet sa akin. "Okay lang ako. Makakauwi ako nang maayos."
"Ayaw mo, libre na ang pamasahe mo?" pangungulit pa niya.
Nilapitan ko siya. "Alam ba ni Olivia ang ginagawa mo?"

BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art