Charlie
Sino ba naman ako para tanggihan ang ten thousand pesos per day, di ba?
Tapos mapapalapit pa ako kay André at baka sakaling may malaman na rin ako tungkol sa pagkamatay ni Kuya Chester.
Pero, paano kung mahalata niyang babae nga ako? Hay, bahala na.
Napatingin ako sa oras at nakitang mag-a-alas sais na. Matapos ang klase namin kanina ay pumunta agad ako dito dahil baka magbago pa ang isip ni André.
Pero, kanina pa ako nakaupo dito sa gilid ng office ng Omega Phi habang busy ang lalaki sa harap ng kanyang laptop.
Napatitig ako sa kanyang mukha. Ang tangos ng ilong niya, parang hindi totoo. Tapos may dimple pa sa kanyang baba, cleft chin ata tawag don. Napaka-perpekto ng hugis ng kanyang panga. Ang ganda rin talaga ng natural na buhok niyang medyo makapal at magulo.
Higit sa lahat, yong mga mata niyang parang gusto akong lamunin ng buhay sa tuwing nakatingin siya sa akin.
"Nosebleed, I'm melting with your stare," sambit ng lalaki.
Napaubo ako nang biglang magtama ang tingin namin. Nahuli pala niya akong nakatitig. Taena.
Ngumisi ang lalaki sa akin habang nakatitig pa rin. "Crush mo na ba ako?"
"Hindi ah! Hindi ikaw ang crush ko."
Kumunot ang noo ng lalaki. "Really? So, sino ang crush mo? Kilala ko ba?"
Napatingin ako sa paligid habang nag-iisip kung sino ang pwede kong sabihin.
"Si ano... yong president ng Gen L Society ba yon?" mahinang sagot ko habang nakatingin sa baba.
"What the fu-" Napatigil pa siya sa pag-curse. "Crush mo si Koleen ko?"
"Koleen mo?" naguguluhang tanong ko. Nakikita ko kasi si Koleen sa mga posters at flyers dito sa university. Kilala siya dito sa buong campus bilang isang "Humanitarian Student" dahil sa mga charities ng org nila.
Tumango naman siya. "Yeah, Koleen ko."
Hindi ko alam na sila pala?
Napakamot ako sa aking batok. "Ah, eh sorry. Hindi ko alam na kayo pala. Crush lang naman."
He burst out into laughter. "Don't worry. Hindi ko sasabihin sa kanya. Your secret's safe with me."
Lumanghap ako ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Sana lang safe rin ang secret kong pagpapanggap bilang lalaki.
"Gutom ka na ba? Let's go eat!" Tumayo bigla ang lalaki saka lumapit sa akin at kinuha ang aking kamay.
"T-Teka lang." Pinilit kong kumawala sa kanya, pero mahigpit ang hawak niya sa aking braso.
Hinila niya ako palabas ng kwarto hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan naka-park ang motor niya.
"Akala ko ba may ipapagawa ka, Commander?" tanong ko.
Napatawa naman siya habang nilalagay ang helmet sa aking ulo. "Ililibre kita ng dinner. Baka sakaling maging crush mo rin ako."
Seryoso ba siya? Nababaliw na ata ang lalaking ito.
Sumimangot ako sa kanya kahit na di niya kita ang buong mukha ko ngayong naka-helmet na ako.
"Are you coming or what?" biglang tanong niya habang nakasakay na siya sa kayang motor. "O baka gusto mong buhatin pa kita?"

BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander... *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English Cover illustration by: Jhay Art