Charlie
Ilang oras pa ang nakalipas at bigla akong nagising sa malakas na hilik mula sa aking likuran. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang kama na ako. Lilingon dapat ako sa tabi ko nang maramdaman ko ang mahigpit na brasong nakayakap sa aking katawan.
"A-André?"
Walang sagot. Sobrang lakas ng hilik niya at bigla-bigla pa itong humihinto na parang nawawalan siya ng hininga.
"Andres..." Tinanggal ko ang brasong nakakapit sa akin at tinulak ko siya sa aking tabi. Nakatulog pala ako dito sa kwarto niya sa penthouse matapos niya akong samahan kanina para maipasa ang plate na hinabol ko.
"Mmm... Chal..." Mukhang nagising na siya, pero agad na nabaling ang atensiyon ko sa mask na suot niya sa kanyang ulo. Parang oxygen mask ito na nakikita sa ospital pero naka-konekta ito sa isang hose at maliit na machine na ka-size ng isang radyo na nasa bedside table niya.
"Ano yang suot mo?" tanong ko sa natutulog na lalaki.
"CPAP machine."
"Pero bakit nasa ulo mo? Hindi ba dapat nasa ilong yan?"
"Tinanggal ko para mayakap kita."
"Bakit mo tinanggal? Paano ka makakatulog niyan?"
"Okay lang naman sa'yo na humihilik ako, right?"
"Pero hindi okay sa akin na bigla-bigla kang nawawalan ng hininga."
"Okay lang mawalan ng hininga basta alam kong nandiyan ka."
Nakuha pa talagang humirit ng isang 'to. "Ibalik mo na nga yang machine para hindi ako kinakabahan para sa'yo."
"Hindi ka aalis sa tabi ko?" Naka-pout pang tanong niya.
Bumuntong-hininga ako sabay iling ng ulo. "Hindi ako aalis sa tabi mo. Ano? Okay na?"
Tumango na rin ang lalaki at binalik ang mask sa ilong niya. Hinayaan ko siyang matulog habang yakap ko ang katawan niya. Hindi na rin naman ako makatulog dahil sa tunog ng machine niya. Parang rinig na rinig ko ang bawat paglabas at pagpasok ng hangin mula sa kanya.
Ganito pala ang sitwasyon niya gabi-gabi? Ang hirap pala ng kondisyon niya. Wala naman talaga akong alam sa sleep apnea. Pero ngayon, bigla akong na-curious kung ano ang pwede kong gawin para matulungan siya.
Paggising ko matapos ang ilang oras, wala na si André sa tabi ko. Agad akong tumayo mula sa kama at lumabas ng kwarto niya. May mga boses akong naririnig mula sa kusina kaya bigla akong kinabahan. Kung nandito ang mga kaibigan niya, ano nalang ang iisipin nila kapag nalaman nilang natulog ako dito katabi ni André?
"Happy birthday, dré! Ano? Saan ang party?" Masayang bati ni Logan sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Elixir Project [Gen L Society #4]
Teen Fiction[Gen L Society Series #4] Charlemaigne Sandos pretends to be a guy to enter the Omega Phi fraternity ran by the playboy commander, Alexandrè Deux Laurent... and it all starts with an elixir. *** Disclaimer: This story is written in Filipino-English ...